JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

INAPRUBAHAN NA SA IKATLO AT PINAL NA PAGBASA ANG PANUKALANG BATAS NA NAGPAPALIBAN SA BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION.

ANG PANUKALA AY PINAGTIBAY MATAPOS NA BUMOTO PABOR SA PANUKALA ANG MAY 212 MAMBABATAS, HABANG 10 LAMANG ANG BUMOTO KONTRA SA PANUKALA AT WALANG ABSTENTION.

BATAY SA PANUKALA, ANG ELEKSYON NG BGY. AT SK. AY GAGAWIN SA MAYO NG SUSUNOD NA TAON SA HALIP NA SA OKTUBRE NG KASALUKUYANG TAON.

KABILANG SA MGA TUTOL SA PANUKALA AY ANG MAKABAYAN BLOC AT ILANG KASAPI NG MINORYA SA KAMARA.

SA EXPLANATORY VOTE NG MAKABAYAN BLOC, TUTOL ANG MGA ITO NA PAHABAIN PA ANG TERMINO NG MGA OPISYAL NG BARANGAY NA TINUTUKOY NG PANGULO NA SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA.

WALA RIN  UMANONG BATAYAN SA KONSTITUSYON ANG PAGPAPALIBAN NG BGY AT SK ELECTION.

HINDI RIN UMANO MAGAGAMIT NG MGA MAMAMAYAN ANG KANILANG DEMOKRATIKONG KARAPATAN SA PAGBOTO PARA MALAYANG MAKAPAMAMILI NG MGA MAMUMUNO SA MGA BARANGAY.

KINUWESTYON RIN NG MAKABAYAN KUNG ANO ANG GARANTIYA NG PAMAHALAAN NA MALILINIS ANG MGA SINASABING SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA SA LOOB NG WALA PANG ISANG TAON.

ANG PINAKA TAMANG SOLUSYON UMANO NG PAMAHALAAN AY SAMPAHAN NG KAUKULANG KASO ANG MGA SINASABING SANGKOT SA DROGA AT HINDI ANG PAGPAPALIBAN NG ELEKSYON. 

 

 

Published in National

Walang ibibigay na extension ang Commission on Elections o (Comelec) sa mga magpaparehistro para sa gaganaping barangay at SK elections sa darating na Oktubre.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman Andres Bautista habang iniinspeksyon ang voters registration sa Pasay City isang araw bago matapos ang deadline.

Ayon kay Bautista, hanggang bukas na lang ang pagpaparehistro kung kaya’t mabuting magpunta na sa mga pinakamalapit na opisina ng Comelec para maiwasan ang inaasahang buhos ng mga late registry bukas.

Matatandaang, ikinalungkot ng Comelec ang mababang bilang ng mga nagpaparehistro, ngunit umaasa pa rin na tataas ang bilang nito hanggang sa itinakdang deadline bukas.

Published in National

Sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 31, tinatarget ng Commission on Election na maiparehistro ang 6 na milyong bagong botante sa bansa.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, na mayroong dalawang milyong regular-aged voters at apat na milyon naman ang mga kabataan na inaasahang magpaparehistro.

Sa Hulyo 15, Biyernes, magsisimula ang 16 na araw na registration.

Dagdag pa nito na maaaring hindi maabot ang naturang bilang at inaasahan na sa mga huling araw o oras saka dadagsa ang mga registrant.

Nasa batas kasi na ang edad 18 pataas ay maaari ng magparehistro para makaboto sa Barangay election habang ang mga may edad 15 ay puwede ng makapagparehistro para sa SK Elections.

Ang mga aplikante ay maaaring makapag-file ng kanilang applications sa kanilang mga bayan o munisipalidad.

Published in National

Tiniyak ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte na isang batas ang kailangan upang maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Paliwanag ni Belmonte, maisasakatuparan lamang ang rescheduling o postponement ng Barangay and SK Elections sa pamamagitan ng pagpasa ng batas dahil ito aniya'y nangangahulugan ng term extension sa mga kasalukuyang nakaupong opisyal sa barangay.

Sinabi naman ni Isabela Rep. Rodito Albano, iminungkahi niyang isabay na lamang ito sa referendum dahil may plano naman aniya na kunin ang pulso ng bayan kaugnay sa isinusulong na pederalismo ng administrasyong Duterte. Sa ganitong paraan aniya ay makatitipid pa ang gobyerno.

 

Published in National

Ayon kay Atty. Guanzon, ang election ay hindi primary na trabaho ng mga commissioners dahil executive function ito. Sinabi pa niya ang mga commissioners ang siyang policy makers at tagapag-ayos ng kaso na isinasampa rito.

Batid ni Guanzon na noong May 9 elections ay tumulong lamang ang mga commissioners kung saan may kanya-kanya silang assignments at naging matagumpay naman ito sa pangkalahatan.

Sa nalalapit na barangay election ay ibibigay na nila ang trabaho kay Comelec Chairman Andres Bautista dahil marami aniyang silang case load na dapat atupagin upang makapagpapalabas agad ng resolusyon.

Sinabi pa ni Atty. Guanzon na sinabi naman ni Chairman Bautista na naging matagumpay ang May 9 elections ay dahil sa kaniya, kaya nararapat na ito na ang magtrabaho sa barangay election.

Ipinaliwanag rin ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon na hindi naman talagang boycott ang kanilang gagawin para sa darating na barangay election.

Published in National
Page 1 of 2