JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National

Hinimok ni dating Senador Aquilino Pimentel Jr. ang Simbahang Katolika at ang sambayanan na maghayag ng saloobin sa usaping death penalty.

Sinabi ni Pimentel na makabubuting magsalita ng mga pabor o tututol sa death penalty habang may pagkakataon pa.

Nagtataka naman ang dating senador sa pananahimik ng Simbahang Katolika sa mga pag-atake ni incoming President Rodrigo Duterte laban sa mga obispo.

Idiniin ni Pimentel na bagamat magkahiwalay ang simbahan at ang estado, karapatan ng simbahan ang magsalita ukol sa mga hakbang na pamahalaan na makakaapekto sa sambayanan

Nanindigan naman si Pimentel na hindi sagot ang death penalty sa pagpuksa sa kriminalidad sa bansa.

Published in National

Mas lalakas pa ang local na pamahalaan kung gagawing pederalismo ang sistema ng gobyerno.

Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni dating senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na kilala bilang “Ama ng Local Government Code”.

Ayon kay Pimentel na siya ring fouder ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang nasabing sistema ng gobyerno ay magbibigay ng mas malakas na kapangyarihan sa LGUs.

“Pupunta na tayo sa federalismo na ating naiisip, mas makadagdag yun sa kapangyarihan ng ating gobyernong lokal,” sinabi ni Pimentel.

Ani Pimentel, kung matutuloy, ang kasalukuyang Local Government Code, na si Pimentel ang siyang author, ay mas lalo pang lalawig ay ang mga rehiyon ay mas magkakaroon ng malaking pondo.

Paliwanag ni Pimentel, mas mapapadali din na makuha ng mga lalawigan ang mga kinakailangan nilang tulong.

Ayon kay Pimentel, sa ilalim ng federal form of government, ang Pilipinas ay posibleng mahati sa tatlo hanggang apat na federal states per island group.

Bawat federal state aniya ay maghahalal ng kani-kanilang senador habang mananatili ang elected officials ng bawat lalawigan.

Nilinaw ni Pimentel na hindi naman ma-aabolish ang mga probinsya kaya ang mga provincial officials ay walang dapat na ipangamba.

Published in National