JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ISANLIBONG BUS MABABAWAS SA EDSA KAPAG BINUKSAN NA ANG MODERNONG TRANSPORT TERMINAL SA PARAÑAQUE

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NASA ISANLIBONG (1,000) MGA BUS ANG MABABAWASAN SA KAHABAAN NG EDSA KAPAG BINUKSAN ANG MODERNONG TRANSPORT TERMINAL SA PARAÑAQUE CITY.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY TIM ORBOS NA SA PAGBUBUKAS NG SOUTHWEST INTEGRATED TRANSPORT EXCHANGE O SWITEX AY INAASAHANG MASUSULUSYUNAN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO SA METRO MANILA.

AYON PA KAY ORBOS, PINAGSAMANG TERMINAL NG LRT, BUS, UV EXPRESS AT JEEP ANG SWITEX PARA MADALING MAGPALIPAT-LIPAT NG MASASAKYAN ANG MGA PASAHERO.

HINDI RIN DAPAT ANIYA MABAHALA ANG MGA PASAHERO NA MALAYO ITO DAHIL NASA TATLONG LIBONG (3,000)  CITY BUSES ANG DITO RIN MAGTE-TERMINAL KAYA HINDI RIN MAKADARAGDAG SA PAMAHASAHE NA SUMASAKAY NG MGA BUS TUNGONG CAVITE O BATANGAS.

SA NGAYON AY NASA HALOS 50 PORSYENTO NA ANG NATATAPOS SA NATURANG PROYEKTO NA INAASAHANG MABUBUKSAN SA ABRIL 2018.

Read 130 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.