JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BASEHAN NG FDA PARA IDEKLARANG WALANG TAGLAY NA ABORTIFACIENT ANG DALAWANG URI NG CONTRACEPTIVE IMPLANTS, PINASISILIP NI REP. ATIENZA

BY: FELIX TAMBONGCO

IGINIIT NI BUHAY PARTY-LIST REPRESENTATIVE LITO ATIENZA NA ISANG ABORTIFACIENT ANG CONTRACEPTIVE IMPLANTS NA IMPLANON AT IMPLANON NXT.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ATIENZA NA ANG IMPLANON AT IMPLANON NXT AY NAGDUDULOT NG PAGHINA NG UTERINE WALL O LINING NG SINAPUPUNAN NG ISANG INA NA SIYANG NAGIGING DAHILAN NG PAGKALAGLAG NG ISANG FETUS, BUKOD PA SA IBA'T IBANG SAKIT NA MAAARING IDULOT NITO.

PALIWANAG PA NG MAMBABATAS, ITO ANIYA ANG DAHILAN KAYA DAPAT NA HUWAG ITONG ISAMA NG DEPARTMENT OF HEALTH O DOH SA MGA CONTRACEPTIVES NA IPAMAMAHAGI NITO SA PUBLIKO

KAUGNAY NITO, NAIS DING IHIRIT NI ATIENZA SA KORTE SUPREMA NA ILABAS NG FDA ANG NAGING BASEHAN NITO PARA IDEKLARANG WALANG TAGLAY NA ABORTIFACIENT ANG MGA NASABING URI NG CONTRACEPTIVE IMPLANTS.

MATATANDAANG NITONG NAKARAANG LINGGO AY KINUMPIRMA NG FOOD AND DRUG ADMINISTRATION O FDA NA WALANG TAGLAY NA ABORTIFACIENT O NAGSASANHI NG ABORTION ANG 51 NA CONTRACEPTIVE PRODUCTS, KABILANG NA ANG KONTROBERSYAL NA IMPLANON AT IMPLANON NXT.

Read 135 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.