JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
IBA PANG BATAS PARA SA MGA MOTORCYCLE RIDERS, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD RIN NG MMDA SIMULA SA LUNES

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

HINDI LANG ANG PAGLABAS NG MGA RIDERS SA MOTORCYCLE LANES SA EDSA ANG BABANTAYAN NG METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY O MMDA SIMULA LUNES.

SA PANAYAM NG DZRJ, SINABI NI MMDA SUPERVISING OFFICER BONG NEBRIJA, MALIBAN SA PAGLABAG SA MOTORCYCLE LANES AY TITIYAKIN DIN NILA SUSUNOD ANG MGA RIDERS SA IBA PANG PANUNTUNAN NG GOBYERNO SA PAGTITIYAK NG KANILANG SEGURIDAD TULAD NG PAGSUSUOT NG HELMET, TAMANG KASUOTAN NG MGA ANGKAS, AT KUNG ANG MGA MENOR NA EDAD NA BACKRIDERS AY NAAABOT ANG FOOTPEG NITO.

AYON PA KAY NEBRIJA, BAGAMAT AMINADO SILANG HINDI NILA ESTRIKTONG NAIPATUTUPAD ANG NATURANG BATAS AY MAHIGPIT NA NILA ITONG BABANTAYAN UPANG MABAWASAN NA RIN ANG MGA AKSIDENTE SA DAAN NA SANGKOT ANG MOTORCYCLE RIDERS.

KAUGNAY NITO, NILINAW DIN NG MMDA NA MALIBAN SA P500 FINE SA PAGLABAG SA MOTORCYCLE LANES AT KARAMPATANG PARUSA SA HINDI PAGSUNOD SA IBA PANG BATAS, POSIBLE RING MAKUMPISKA ANG LISENSYA NG RIDER KAPAG UMABOT SA TATLONG VIOLATION SA ISANG APPREHENSION.

SA NGAYON, NAGSASAGAWA NA NG DRY-RUN ANG MMDA HINGGIL PATAKARANG ITO AT ANG SINUMANG MAHUHULI AY PAGSASABIHAN LAMANG SA PAMAMAGITAN NG PAGSASAGAWA NG ONSITE-SEMINAR.

 

Read 46 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.