JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NCRPO NAIS PAIMBESTIGAHAN SA KAMARA ANG PINANGGALINGAN NG PONDO NG MGA MILITANTENG GRUPO

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAIS RING PAIMBESTIGAHAN NG NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) ANG MGA GRUPONG NAGSAGAWA NG KILOS-PROTESTA HABANG IDINARAOS ANG ASEAN SUMMIT.

ITO ANG REAKSYON NI NCRPO DIRECTOR OSCAR ALBAYALDE SA PLANO NI GABRIELA REP. ARLENE BROSAS NA SIYASATIN SA KAMARA ANG PAGGAMIT NG KAPULISAN NG LONG RANGE ACOUSTIC DEVICE O LRAD SA PAG-DISPERSE NG MGA RALIYISTA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ALBAYALDE NA NARARAPAT DING SILIPIN NG KAMARA KUNG SAAN KUMUKUHA NG PONDO ANG MGA NATURANG GRUPO NA ANIM (6) NA ARAW NA NAGSAGAWA NG RALLY.

HINALA PA NG NCRPO CHIEF, POSIBLENG MAY MGA DAYUHANG INDIBIDWAL NA NAGPO-PONDO PARA SA MGA MILITANTENG GRUPO PARA SIRAAN AT PABAGSAKIN ANG GOBYERNO.

MATATANDAANG NITONG LUNES DIN AY BINALAAN NG NCRPO ANG DALAWANG FOREIGN-LOOKING INDIVIDUALS NA LUMAHOK SA RALLY NA MADE-DEPORT DAHIL HINDI DAPAT MAKIBAHAGI ANG MGA ITO SA USAPING PANLOOB NG BANSA.

SAMANTALA, MULING IGINIIT NI ALBAYALDE NA TEMPORARY DISCOMFORT LAMANG SA PANDINIG ANG EPEKTO NG LRAD TALIWAS SA PAHAYAG NG GABRIELA NA MAAARI ITONG MAGDULOT NG PANANAKIT NG ULO AT VERTIGO.

 

 

Read 61 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.