JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DTI TUTUKAN ANG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE NGAYONG KAPASKUHAN- VILLAR

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN ANG CHAIR NG SENATE COMMITTEE ON AGRICULTURE AND FOOD NA SI SENADORA CYNTHIA VILLAR SA DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA TUTUKAN ANG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN KUNG SAAN DUMADAGSA ANG MGA MAMIMILI.

AMINADO SI VILLAR NA TUWING NALALAPIT ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY UMAABUSO ANG ILANG MGA NEGOSYANTE NA NAGTATAAS NG PRESYO NG KANILANG MGA PRODUKTO.

HINIKAYAT NI VILLAR ANG DTI NA TUTUKAN ANG PAGMOMONITOR SA MGA PRESYO SA PAMILIHAN AT MAGPALABAS AGAD NG SUGGESTED RETAIL PRICE PARA HINDI MALOKO ANG MGA MAMIMILI NG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE.

NAPUPUNA KASI NI VILLAR NA KUMPARA SA MGA NAKARAANG PAMAMAHALA NG DTI MAS TUTOK NGAYON ANG DTI SA SMALL MICRO BUSINESSES.

ANIYA NOON TUTOK ANG DTI SA PRICE CONTROL MONITORING KUMPARA SA NGAYON.

IGINIIT NI VILLAR NA TAMA NAMAN NA TUTOK ANG DTI SA MGA KABABAYAN NA NAIS NA MAGTAYO NG MALILIIT NA NEGOSYO SUBALIT DAPAT ANIYA NA BALANSE NA HINDI PABABAYAAN ANG PAGTUTOK SA PRESYO SA MERKADO LALO NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN.

DAGDAG PA NI VILLAR NA KAPAG NAGPABAYA ANG DTI SA TRABAHO SA PAGMONITOR SA MGA ABUSADONG NEGOSYANTE NA NAGTATAAS NG PRESYO NG KANILANG PRODUKTO HINDI ITO MAGDADALAWANG ISIP NA IPATAWAG ANG MGA OPISYAL NG DTI SA SENADO SA ISANG PAGDINIG.

Read 2214 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.