JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RECTO DUDA NA MAITATAYO NG NHA ANG LAHAT NG BAHAY SA MARAWI CITY

BY: JOJO SICAT

DUDA SI SENADOR RALPH RECTO NA MAITATAYO NG NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) ANG LAHAT NG MGA NASIRANG BAHAY SA NATAPOS NA BAKBAKAN SA MARAWI CITY LABAN SA MAUTE TERRORIST GROUP.

PALIWANAG NI RECTO HINDI REHABILITATION ANG NAKIKITA NITO SA PAGSASAAYOS SA MGA NASIRANG BAHAY SA MARAWI KUNDI ANG MAGPATAYO MULI NG PANIBAGO.

ANIYA TOTALLY WASHOUT ANG MGA BAHAY NA NASIRA SA GIYERA NA DUDA ANG SENADOR NA MAITATAYO LAHAT ITO NG NHA .

IGINIIT PA NI RECTO NA KULANG NA KULANG ANG P10 BILYON NA PONDO PARA SA REHABILITATION NG MARAWI CIITY.

PALIWANAG NG SENADOR NA 40,000 ANG APEKTADONG PAMILYA SA NATURANG TRAHEDYA KUNG KAYA'T KULANG ANG P10B PONDO NA INILAAAN DITO NG PAMAHALAAN.

SINABI NI RECTO NA DAHIL NGA SA DUDA ITO NA MAITATAYO NG NHA ANG MGA BAHAY SA MARAWI IMINUNGKAHI NITO NA BIGYAN NA LAMANG NG P1 MILYON ANG BAWAT PAMILYANG APEKTADO NG GIYERA.

ANIYA KUNG GAGAWIN ITO AABOT SA P40 BILYON PISO ANG PONDO PARA SA PAGBANGON NG MARAWI CITY NA MAKUKUHA NAMAN ANIYA NG GOBYERNO SA MGA PONDONG HINDI NAGASTOS NG  PAMAHALAAN SA MGA NAKARAANG BUDGET AT BUKOD PA ANG MGA DONASYON MULA SA MGA INTERNATIONAL COMMUNITY.

AMINADO NAMAN SI RECTO NA HINDI NAAAYON SA BATAS NA BIGYAN NG TIG P1 MILYON ANG BAWAT PAMILYANG NASIRA ANG TAHANAN SA MARAWI CITY SUBALIT MAARI NAMAN ANIYA NA MAG- CREATE ANG KONGRESO NG SPECIAL LAW PARA DITO.

 

 

Read 86 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.