JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
REPORT NA ISUSUMITE SA OMBUDSMAN LABAN KAY VM PAOLO DUTERTE INIHAHANDA NI TRILLANES

BY: JOJO SICAT

SA PANAYAM INAMIN NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV NA KANYANG INIHAHANDA NA ANG REPORT NA ISUSUMITE SA OFFICE OF THE OMBUDSMAN NA MAGPAPATUNAY NA SANGKOT SA DRUG SMUGGLING SI PRESIDENTIAL SON VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT ANG KINABIBILANGAN NITONG DAVAO GROUP.

GINAWA NI TRILLANES ANG HAKBANG KASUNOD NG PAGBUO NG OMBUDSMAN NG FACT-FINDING PANEL NA MAG-IIMBESTIGA SA NAIPUSLIT NA P6.4 BILLION NA SHABU SHIPMENT SA BUREAU OF CUSTOM ( BOC) MULA CHINA.

SINABI NG SENADOR NA ANG KANYANG REPORT AY KAPAPALOOBAN NG MGA AUTHENTICATED DOCUMENTS, MGA TRANSCRIPTS AT MGA LARAWAN NA MAGPAPATUNAY NA MAY KINALAMAN TALAGA SI VICE MAYOR PULONG SA NABANGGIT NA DRUG SMUGGLING.

NANINIWALA NAMAN SI TRILLANES NA ANG OMBUDSMAN AY HINDI MAGIGING KOMITE DE ABSWELTO KATULAD ANIYA NG BLUE RIBBON COMMITTEE NI SENADOR RICHARD GORDON NA PILIT PINAGTATAKPAN ANG PAGKAKASANGKOT SA MGA ANUMALYA SA CUSTOMS NG KAMPO NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE TULAD NG KANYANG ANAK NA SI VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT MANUGANG NASI MANS CARPIO.

Read 70 times Last modified on Wednesday, 08 November 2017 17:11
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.