JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KOMENTO NI DATING DDB CHIEF SANTIAGO, ITINUTURING NA "WRONG CHOICE OF WORDS" NG DOH

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

TINAWAG NA "WRONG CHOICE OF WORDS" NG DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ANG KOMENTO NI RESIGNED DANGEROUS DRUGS BOARD (DDB)- CHIEF DIONISIO SANTIAGO NA ISANG MALAKING PAGKAKAMALI ANG PAGTATAYO NG MEGA DRUG REHABILITION FACILITY SA FORT MAGSAYSAY, SA NUEVA ECIJA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DOH UNDERSECRETARY ROGER TONG-AN NA NAGKAMALI LAMANG SA PANANALITA SI SANTIAGO NA SABIHING ISANG MISCALCULATION ANG NATURANG FACILITY.

PALIWANAG NI TONG-AN, ANG 10,000-BED NA REHAB FACILITY AY SANG-AYON SA DONASYON NG CHINESE BUSINESSMAN NA SI HUANG RULUN.

GAYUNMAN, SINABI NI TONG-AN NA ANG NATURANG PASILIDAD AY PRE-FABRICATED KAYA MAAARI ITONG MAGAMIT NG MILITAR O ANUMANG AHENSYA NG GOBYERNO KAPAG.

ANG PRE-FABRICATED NA ISTRUKTURA AY HINDI GAWA SA CONCRETE KAYA MAAARI ITONG I-DISMANTLE AT BUUIN MULI SA ANUMANG DISENYO SANG-AYON SA PANGANGAILANGAN.

SA NGAYON, NASA 101 DRUG DEPENDENTS NA ANG NAPA-GRADUATE NG DOH MULA SA 544 NA INISYAL NILANG ENROLLEES.

Read 30 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.