JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RJ NIETO NG THINKING PINOY SASAMPAHAN NG LIBEL CASE NI TRILLANES

BY: JOJO SICAT

NAKATAKDANG SAMPAHAN NG KASONG LIBEL CASE NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG BLOGGER NG THINKING PINOY NASI RJ NIETO AT ISA PANG KOLUMNISTA NG PAHAYAGAN.

SA ISINAGAWANG KAPIHAN SA SENADO SINABI NI TRILLANES NA INIHAHANDA NA NG KANYANG MGA ABUGADO ANG KASONG LIBEL NA ISASAMPA NITO LABAN KAY NIETO.

IPINALIWANAG NI TRILLANES NA KANYANG ISASAMPA ANG KASONG LIBEL DAHIL SA FAKE NEWS NA IPINALABAS NI NIETO AT NG ILANG KOLUMNISTA NA TINAWAG DAW ITO NI US PRESIDENT DONALD TRUMPH NA LITTLE NARCO.

ANIYA NI TRILLANES MALINAW SA US PRESIDENTIAL WEBSITE NA WALANG BINANGGIT NA GANUN ANG PANGULO NG ESTADOS UNIDOS NA SINASABING LITTLE NARCO ANG SENADOR.

NANINIWALA ANG SENADOR NA ISA UMANO ITONG PROPAGANDA OPERATION LABAN SA KANYA NA HANDA NITONG HARAPIN AT HINDI AATRASAN.

BUKOD KAY NIETO ISA PANG KOLUMNISTA NA SI YEN MACABENTA NG MANILA TIMES ANG KASABAY NA SASAMPAHAN NG KASONG LIBEL CASE NI TRILLANES NA LUMABAS NGAYONG ARAW ANG COLUMN UKOL SA LITTLE NARCO ISYU.

HINDI NAMAN KINUMPIRMA NI TRILLANES KUNG KAILAN ISASAMPA ANG KASONG LIBEL LABAN SA DALAWA.

Read 220 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.