JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA RESIDENTE NG BARANGAY MALANDAY SAN MATEO RIZAL, NAGALAK SA PROYEKTO NG RESPONSABLENG MINERO

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGPAHAYAG NG KAGALAKAN ANG MGA TAGA BARANGAY MALANDAY SAN MATEO RIZAL SA KATATAPOS NA ROAD REBLOCKING SA MAY 100 METRONG BAHAGI NG 4 LANE PATIIS BARANGAY ROAD.

ANG NASABING PROYEKTO NA NAGKAKAHALAGA NG MAY P1 MILYON AY GINASTUSAN NG MONTE ROCK CORPORATION (MRC) SA PAMAMAGITAN NG SOCIAL DEVELOPMENT AND MANAGEMENT PROGRAM (SDM) NG KUMPANYA.

AYON KAY MS. LUISA NOCHE, PLANT MANAGER NG MRC, ISINAGAWA ANG NATURANG PROYEKTO BATAY SA KAHILINGAN NG MGA RESIDENTE SA LUGAR SA PAMAMAGITAN NI MALANDAY BARANGAY CAPTAIN ROMINA ALFONSO.

ANG BARANGAY MALANDAY AY NEIGHBORING COMMUNITY NG MRC NA ANG LUGAR NG OPERASYON AY SA BARANGAY DULONG BAYAN SAN MATEO RIZAL.

SA PAHAYAG NI BARANGAY CAPTAIN ALFONSO, NATUTUWA SIYA AT ANG KANYANG MGA KABARANGAY SA MABILIS NA AKSYON NG MRC.

SINABI PA NITO NA SA PANAHON NG KANYANG PANUNUNGKULAN BILANG BARANGAY CAPTAIN, LAGI NA NILANG KAAGAPAY ANG MRC SA DEVELOPMENT NG BARANGAY LALO NA SA ROAD MAINTENANCE AT REHABILITATION NG ITAAS NA BAHAGI NG PATIIS ROAD.

IDAGDAG PA ANG IBINIBIGAY NA TULONG SA MGA MAG-AARAL NG ELEMENTARY AT ANG PAGSASAGAWA NG MEDICAL DENTAL MISSION.

"DITO SA AMING BARANGAY AY DAMANG DAMA NAMIN ANG PRESENSYA NG PAGMIMINA (QUARRYING), KASI HALOS ANG NAGING KAAGAPAY NA NAMIN SA USAPIN NG DEVELOPMENT NG BARANGAY AY ANG MRC, BAKA KUNG WALA ANG QUARRY DITO SA SAN MATEO MAHIHIRAPAN KAMING MAKAPAGPAGAWA MULA SA AMING 20% DEVELOPMENT FUND. KUNG LALAPIT KA NAMAN SA MUNISIPYO O SA KAPITOLYO AY NAPAKATAGAL NG PROSESO." AYON PA KAY ALFONSO.

PAGLILINAW NI NOCHE, NA ANG KANILANG MAAGANG PAGTUGON SA KAHILINGAN NG KOMUNIDAD AY BAHAGI NG KANILANG CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY (CSR) HINDI LAMANG SA MGA HOST COMMUNIST KUNDI MAGING SA MGA NEIGHBORING COMMUNITY.

ITO RIN UMANO ANG KANILANG PAMAMARAAN UPANG MAIPADAMA SA KOMUNIDAD KUNG ANO ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG RESPONSABLENG MINERO BATAY SA ISINASAAD NG REPUBLIC ACT 7942 O ANG MINING ACT OF 1995.

KATUNAYAN UMANO, MALIBAN SA IMPRASTRUKTURA, TULONG SA MGA ESTUDYANTE AT LIBRENG GAMUTAN AY NAGPAPATUPAD RIN SILA ENVIRONMENT PROGRAM KATULAD NG TRÈE PLANTING (REFORESTATION) AT RIVER CLEAN UP.

KAMAKAILAN AY LUMAHOK ANG MRC SA SERYE NG TREE PLANTING ACTIVITIES BILANG SUPORTA SA ILALIM NG YES PROGRAM NI RIZAL GOVERNOR REBECCA  ."NINI" YNARES, BUKOD PA ITO SA KANILANG IPINATUTUPAD NA FOREST MANAGEMENT PROGRAM SA ILALIM NG MINING ACT.

KAYA NGA'T NAGMAMANTINE RIN ANG KUMPANYA NG SARILING PLANT NURSERY PARA PANGTUSTOS SA KINAKAILANGAN NILANG PANTANIM.

RESPONSABLE RIN ANG MONTE ROCK CORPORATION SA PAGLILINIS NG VILLA LICEL CREEK SA BARANGAY BANABA AT SAPANG LABO SA BARANGAY GITNANG BAYAN II BILANG SUPORTA SA PROGRAMANG "BUHAYIN ANG SAPA, ILOG, LAWA AT KARAGATAN" (BUSILAK), FALAGSHIP PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG RIZAL AT PAGLAHOK SA PISTA NG KAGUBATAN,.

NAGING KABAHAGI RIN ANG ANG KUMPANYA SA PROGRAMA NG PAMAHALAANG BAYAN NG SAN MATEO RIZAL TULAD NG MASA-MASID O ANG ISANMATEO:BAYANG NAGMAMASID AT PAG-EEMPLEYO NG MGA STREET SWEEPER SA ILALIM NG PROGRAMANG ADOPT-A-STREET-SWEEPER PROGRAM.

Read 3176 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.