JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DOTR PANSAMANTALA MUNANG ITE-TAKE OVER ANG PAGMAMANTINE NG MRT-3

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

MATAPOS KANSELAHIN ANG KONTRATA NG BUSAN UNIVERSAL RAILS INCORPORATED O BURI, PANSAMANTALA MUNANG ITE-TAKE OVER NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION O DOTR ANG PAGMAMANTINE NG METRO RAIL TRANSIT LINE 3 O MRT-3.

SA PANAYAM NG DZRJ, SINABI NI DOTR UNDERSECRETARY CESAR CHAVEZ NA ANG KANILANG AHENSYA MUNA ANG MAGPAPATAKBO NG MRT-3 KATUWANG ANG MGA EMPLEYADO NG BURI NA IN-ABSORB NA NG AHENSYA.

BAGAMAT AMINADO SI CHAVEZ NA MAHIRAP ANG PAGMAMANTINE NG NATURANG TREN AY TANGGAP NAMAN ANIYA NG DOTR RESPONSIBILIDAD DITO.

KAUGNAY NITO, MAY TATLONG DAYUHANG KUMPANYA NA ANG NAGPAHAYAG NG INTERES NA MAGMANTINE NG MRT-3 TULAD NG SINGAPORE MRT, SUMITOMO CORPORATION NG JAPAN AT RATP DEVELOPMENT NG FRANCE NA SERVICE PROVIDER NG LRT 1.

AYON PA KAY CHAVEZ, PATULOY ANG PAGSASAGAWA NILA NG PAGSUSURI SA MGA NATURANG KUMPANYA UPANG MATIYAK NA MAAYOS NA MAPAPATAKBO ANG MRT-3.

Read 148 times Last modified on Tuesday, 07 November 2017 11:36
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.