JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TABLOID MAINTENANCE, PATAY MATAPOS SAKSAKIN NG KATRABAHO

BY: JOJO SICAT

PATAY ANG ISANG PRODUCTION MAINTENANCE NG ISANG TABLOID MATAPOS SAKSAKIN NG KANYANG KATRABAHO SA IKALAWANG PALAPAG NG PEOPLE'S JOURNAL BUILDING SA PORT AREA MAYNILA KAGABI.

NAKILALA ANG BIKTIMA NA SI ARNOLD REYES, 50 TAONG GULANG HABANG ANG SUSPEK NAMAN SA KRIMEN AY NAKILALANG SI RONNEL TOLIBAT NA ISA NAMANG PRODUCTION ASSISTANT.

SA IMBESTIGASYON NG MPD HOMICIDE SECTION, NAKITA NA LANG NA BUMABABA ANG BIKTIMA MULA SA IKALAWANG PALAPAG NG GUSALI AT HUMIHINGI NG TULONG.

ISINUGOD SA MANILA DOCTORS HOSPITAL ANG BIKTIMA PERO BINAWIAN NG BUHAY ALAS DIYES Y MEDIA KAGABI BUNSOD NG SAKSAK SA KANANG BAHAGI NG TIYAN.

NAKITA RING PUTOL ANG TATLONG DALIRI NG BIKTIMA SA KALIWANG KAMAY.

NAPAG-ALAMAN NA DATI NANG KINOMPRONTA NG BIKTIMA SI TOLIBAT DAHIL LAGI RAW ITONG NAKATINGIN SA KANYA.

NAPAG -ALAMAN NA NAGTALO RIN ANG DALAWA NOONG NAKARAANG SABADO SA HINDI MALAMANG DAHILAN.

PATULOY PANG HINAHANAP NG MGA OTORIDAD ANG SUSPEK NA TUMAKAS MATAPOS ANG KRIMEN.

Read 179 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.