JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA RESIDENTE NG BRGY MALANDAY SAN MATEO RIZAL, NAGPASALAMAT SA PRIBADONG KORPORASYON NA NAGPAPAAYOS NG KANILANG KALSADA

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGPAHAYAG NG KAGALAKAN ANG MGA TAGA BARANGAY MALANDAY SAN MATEO RIZAL SA KATATAPOS NA ROAD REBLOCKING SA MAY 100 METRONG BAHAGI NG PATIIS BARANGAY ROAD.

ANG NASABING PROYEKTO NA NAGKAKAHALAGA NG MAY P1 MILYON AY GINASTUSAN NG MONTE ROCK CORPORATION (MRC) SA PAMAMAGITAN NG SOCIAL DEVELOPMENT AND MANAGEMENT PROGRAM (SDMP) FUND NG KUMPANYA.

AYON KAY MISS LUISA NOCHE, PLANT MANAGER NG MRC, ISINAGAWA ANG NATURANG PROYEKTO BATAY SA KAHILINGAN NG MGA RESIDENTE SA LUGAR SA PAMAMAGITAN NI MALANDAY BARANGAY CAPTAIN ROMINA ALFONSO.

ANG BARANGAY MALANDAY AY NEIGHBORING COMMUNITY NG MRC NA ANG LUGAR NG OPERASYON AY SA BARANGAY DULONG BAYAN SAN MATEO RIZAL.

SA PAHAYAG NI BARANGAY CAPTAIN ALFONSO, NATUTUWA SIYA AT ANG KANYANG MGA KABARANGAY SA MABILIS NA AKSYON NG MRC.

SINABI PA NITO NA SA PANAHON NG KANYANG PANUNUNGKULAN BILANG BARANGAY CAPTAIN, LAGI NA NILANG KAAGAPAY ANG MRC SA DEVELOPMENT NG BARANGAY LALO NA SA ROAD MAINTENANCE AT REHABILITATION NG ITAAS NA BAHAGI NG PATIIS ROAD.

IDAGDAG PA ANG IBINIBIGAY NA TULONG SA MGA MAG-AARAL NG ELEMENTARY AT ANG PAGSASAGAWA NG MEDICAL DENTAL MISSION.

"DITO SA AMING BARANGAY AY DAMANG DAMA NAMIN ANG PRESENSYA NG PAGMIMINA (QUARRYING), KASI HALOS ANG NAGING KAAGAPAY NA NAMIN SA USAPIN NG DEVELOPMENT NG BARANGAY AY ANG MRC, BAKA KUNG WALA ANG QUARRY DITO SA SAN MATEO MAHIHIRAPAN KAMING MAKAPAGPAGAWA MULA SA AMING 20% DEVELOPMENT FUND. KUNG LALAPIT KA NAMAN SA MUNISIPYO O SA KAPITOLYO AY NAPAKATAGAL NG PROSESO." AYON PA KAY ALFONSO..

Read 211 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.