JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GRUPONG NANANAWAGAN SA PAGTATAYO NG REVOLUTIONARY GOV'T ILULUNSAD NGAYONG ARAW NA ITO

BY: FELIX TAMBONGCO

ILULUNSAD NGAYONG ARAW NA ITO ANG ISANG KILUSAN NA NAGLALAYONG ISULONG ANG ISANG REBOLUSYONARYONG PAMAHALAAN, ANG GRUPO AY TINATAWAG NA #REVGOVNA!.

GANAP NA 2PM MAMAYA, MAGTITIPON ANG MGA MIYEMBRO NG REVGOV-RALLY SA LOOB NG QUEZON MEMORIAL CIRCLE (SA STAGE/GRANDSTAND), PAGKATAPOS NG MAIKLING PROGRAMA AY BUBUUIN ANG ISANG HUMAN-CHAIN PAIKOT NG QC CIRCLE.

PANAWAGAN NG GRUPO NA MAWAKASAN AND OLIGARKIYA SA BANSA NA NAKIKINABANG SA 1987 CONSTITUTION NA NILIKHA SA ILALIM NG “REVOLUTIONARY GOVERNMENT” NI CORY AQUINO, NA ISANG OLIGARKIYA-ASENDERO.

ITO UMANO ANG NAGING DAAN PARA MANUMBALIK SA PODER ANG MGA MAPAGSAMANTALA, GANID NA TRAPO AT NAGHAHARI-HARIANG OLIGARKIYA, ASENDERO AT ELITISTA.

ISANG PAMAHALAANG TIGIB NG KURAPSYON NG ILANG GANID NA GOBERNADÒR, MAYOR AT MGA BARANGAY CAPTAIN NÀ AND MAKE LAMANG AT PAGKAKITAAN ANG MGA PROYEKTO TULAD NG “FARM-TO-MARKET” ROAD (SA TUNAY NA BUHAY AY “FARM-TO-POCKET” PROJECTS).

SUKDULAN NA RIN UMANO ANG KABULUKAN NG KASALUKUYANG ISTRUKTURA NG GOBYERNO (STATUS QUO) NA NAGING CONDUCIVE NA AT PANGINGIBABAWAN NG NARCO-POLITIC - LAGANAP ANG MGA DRUG-LORD PROTECTOR NA GOBERNADOR, MEYOR, POLICE GENERALS, HUWES, MGA BURUKRASYA NG GOBYERNO AT 40% NG 42,000 NA MGA PUNONG BARANGAY SA BUONG BANSA AY SANGKOT SA OPERASYON NG ILIGAL NA DROGA .

SINABI PA NG GRUPO NA ANG KASALUKUYANG UNITARY FORM OF GOVERNMENT AY WALANG KAKAYAHAN PARA LUTASIN ANG MGA SULIRANIN AT SARILING KABULUKAN NG LIPUNAN.

SA 31 TAON UMANO NG “FREEDOM CONSTITUTION” LALONG LUMUBHA ANG KAHIRAPAN AT KAGUTUMAN SA LIPUNAN AT DAPAT NA ITONG MAWAKASAN.

Read 154 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.