JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MAHALAGANG MAKUHA ANG CELLPHONE NI ATIO- ZUBIRI

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR JUAN MIGUEL ZUBIRI NA MAHALAGANG MAKUHA ANG CELLPHONE NA PAG-AARI NG NASAWAING UST LAW STUDENT NA SI HORACIO CASTILLO III.

SA PANAYAM SA SENADO SINABI NI ZUBIRI NA MAHALAGA NA MAKUHA ANG CELLPHONE AT MALAMAN ANG MGA CONVERSATION TULAD NG MGA TEXT AT MGA TAWAG NI ATIO SA MGA OPISYAL AT MIYEMBRO NG AEGIS JURIS FRATERNITY BAGO ANG PAGKASAWI NITO.

ANIYA SA PAMAMAGITAN NG NATURANG CELLPHONE NA PAG-AARI NI ATIO TULAD NG TEXT NI ARVIN BALAG ANG PANGULO NG FRATERNITY AT ANG MGA POSIBLENG TAWAG NG ILANG KA BROD NITO AY MAGAGAMIT BILANG EBIDENSYA SA KASO.

SUBALIT HINDI MAIAALIS ANG PANGAMBA NI ZUBIRI MA POSIBLENG SINUNOG NA ANG NATURANG CELLPHONE BASE NARIN CHAT MESSAGES NA IPINAKITA NG SENADOR SA SENADO NA PINASUSUNOG NA ANG CELLPHONE NI HORACIO UPANG WALANG EBIDENSYA NA MAKITA SA PAGKASAWI NITO.

UMAASA NAMAN SI ZUBIRI NA MAKUKUHA NG OTORIDAD ANG MGA NATURANG TEXT MESSAGES AT MGA TAWAG SA NAWAWALANG CELLPHONE NI ATIO NA UMANO'Y POSIBLENG HAWAK NOON NI MIGZ SALAMAT NA BASE NARIN AA CHAT CONVERSATION NG MGA MIYEMBRO AT OPISYAL NG AEGIS JURIS FRATERNITY.

Read 1260 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.