JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
UST NAGKAROON NG KAPABAYAAN - POE

BY: JOJO SICAT

LUMABAS SA PAGDINIG NG SENADO NA NAGING PABAYA ANG UST CIVIL LAW STUDENT AFFAIRS AT ANG TANGGAPAN NI UST FACULTY OF CIVIL LAW DEAN NILO DIVINA KAYA NAKAPAG-RECRUIT ANG AEGIS JURIS FRATERNITY NG PANAHON NG ORIENTATION NA ISINAGAWA NG CIVIL LAW STUDENT COUNCIL NOONG BUWAN NG AGOSTO.

SA PAGTATANONG NI SENADORA GRACE POE KAY CIVIL LAW STUDENT COUNCIL PRESIDENT JONATHAN SANTOS INAMIN NITO NA HINDI NAIPARATING SA KANILA NG STUDENT AFFAIRS AT TANGGAPAN NG CIVIL LAW DEAN NA HINDI RECOGNISED ANG AEGIS JURIS FRATERNITY NG ISINAGAWA NILA ANG ORIENTATION KUNG SAAN NA RECRUIT NG NATURANG FRATERNITY ANG NASAWING SI LAW STUDENT HORACIO CASTILLO III.

SA NATURANG PAGDINIG SINABI NI SANTOS NA NAGSUBMIT SILA NG PROPOSAL SA STUDENT AFFAIRS AT SA TANGGAPAN NG CIVIL LAW DEAN PARA SA ISASAGAWANG SPECIFIC ACTIVITY KABILANG NA ANG ORIENTATION NG IBAT IBANG ORGANISASYON NG MGA MAG-AARAL.

ANIYA INAPROBAHAN NAMAN ITO NG STUDENT AFFAIRS NI DIRECTOR MARIA SOCORRO GUAN HING AT NG TANGGAPAN NI DEAN DIVINA ANG KANILANG PROPOSALS PARA SA ORIENTATION SUBALIT HINDI SILA NAINPORMAHAN NA HINDI NA RECOGNISED ANG AEGIS JURIS FRATERNITY AT HINDI NA MAARING MAG RECRUIT NG PANIBAGONG MIYEMBRO SA PANAHON NG ORIENTATION.

INAMIN NAMAN NI DIRECTOR GUAN HING NA HINDI NILA NA PUBLISH SA WEBSITE NG CIVIL LAW NA HINDI NA RECOGNISED ANG AEGIS JURIS FRATERNITY.

IGINIIT NI SENADORA POE NA KITANG KITA NA MALAKI ANG PAGKUKULANG AT HINDI MALINAW ANG PROSESO NG UST KAYA HINDI NAKARATING MISMO SA STUDENT COUNCIL NA HINDI NA RECOGNISED ANG NATURANG FRATERNITY.

SA PANIG NAMAN NI SENADOR JUAN MIGUEL ZUBIRI IGINIIT NITO NA KUNG NAGLABAS AGAD ANG COLLEGE OF LAW NG CLEAR POLICY HINDI SANA NA RECRUIT SI HORACIO AT SANA AY BUHAY PA ITO.

Read 95 times Last modified on Monday, 06 November 2017 16:50
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.