JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ZUBIRI, PINURI SI MARC ANTHONY VENTURA SA KATAPANGAN SA PAGLANTAD HINGGIL SA ATIO HAZING CASE

BY: JOJO SICAT

PINURI NI SENADOR JUAN MIGUEL "MIGS" ZUBIRI ANG ANIYA’Y KATAPANGAN AT KATAPATAN NI SUSPECT TURNED-WITNESS MARC ANTHONY VENTURA DAHIL SA PAG-TELL ALL NITO SA HAZING CASE NI UST STUDENT HORACIO CASTILLO III.

AYON KAY ZUBIRI, SALUDO SIYA KAY VENTURA DAHIL ALAM ANIYA NITO NA MAHIRAP ANG PINAGDADAANAN NGAYON NI VENTURA NGUNIT PINILI PA RIN NITONG PUMANIG SA KATOTOHANAN.

KINILALA NG SENADOR ANG GINAWANG PAGPAPAIRAL NI VENTURA NG KANIYANG KONSENSYA KAYSA SA ISANG MISGUIDED LOYALTY SA KANILANG FRATERNITY.

DAHIL DITO, NANAWAGAN SI ZUBIRI SA ILAN PANG MGA MIYEMBRO NG KAPATIRAN NA BUKSAN NA RIN ANG KANILANG ISIPAN AT PUMANIG SA PAGHANAP NG KATOTOHANAN SA KASO NI ATIO.

SA HULI, HINDI NA NAGBATO NG ANUMANG TANONG SI ZUBIRI KAY VENTURA DAHIL NIRERESPETO UMANO NITO ANG PANGUNGUNA NG DOJ SA KASO.

BINUWELTAHAN NAMIN NI ZUBIRI SI JOHN PAUL SOLANO NA DISMAYADO ANG SENADO SA GINAWA NITO NA PINAGTATAKPAN ANG ILANG MIYEMBRO SA OPISYAL NG AEGIS JURIS FRATERNITY SA PAGKASAWI NI ATIO.

PINAYUHAN PA NI ZUBIRI SI SOLANO NA HUWAG NG DAGDAGAN PA ANG PAGSISINUNGALING SA PAGSASABI NA KAYA NAMATAY SI HORACIO DAHIL SA SAKIT SA PUSO DAHIL HINDI LAMANG ANG MGA MAGULANG ANG INIINSULTO NI SOLANO KUNDI ANG TAUMBAYAN.

Read 65 times Last modified on Monday, 06 November 2017 16:51
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.