JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MARC ANTHONY VENTURA KINUKUNSIDERA PARIN NA RESPONDENT- PROSECUTOR GENERAL CATALAN

BY: JOJO SICAT

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG NG SENADO SA PAGKAKASAWI NI UST LAW STUDENT HORACIO CASTILLO III INAMIN NI PROSECUTOR GENERAL ATTY. JORGE CATALAN NA KINUKUNSIDERA PARIN ITONG RESPONDENT SA KASO.

SINABI NI CATALAN NA MAY NAKALAGAY SA AFFIDAVIT NI VENTURA NA MGA CONFIDENTIAL NA HINDI MAARING BANGGITIN SA PAGDINIG SA SENADO NA POSIBLENG MAKAAPEKTO SA ISASALAYSAY NITO SA KORTE.

SUBALIT IGINIIT NI CATALAN NA TANGING ANG KORTE ANG MAGDEDETERMINA KUNG LESS GUILTY O DAPAT NANG MAALIS ITO SA KASO SA KABILA NA NASA ILALIM NA ITO BILANG STATE WITNESS SA ILALIM NG WITNESS PROTECTION PROGRAM NG PAMAHALAAN.

SA NATURANG PAGDINIG INAMIN NI MARK ANTHONY VENTURA NA NAGING MASTER INITIATOR ITO NG AEGIS JURIS FRATERNITY HANGGANG SA BUWAN NG JULY TAON KASALUKUYAN.

SUBALIT SA NGAYON AY NAITALAGA NA ITONG SECRETARY NG FRATERNITY AT NAKA LEAVE OF ABSENCE ANIYA ITO NG AUGUST 2 NG MGA PANAHON NG NASAWI SI UST LAW STUDENT HORACIO CASTILLO III.

ANIYA HINDI ITO NAKA ENROLL NITONG FIRST SEMESTER KAYA'T NAG LEAVE OF ABSENCE ITO.

SA PAGPAPATULOY NA KAHIT NAKA LEAVE OF ABSENCE ITO MADALAS ITONG NAGTUTUNGO SA FRAT LIBRARY AT DOON NITO NAKITA SI UST LAW STUDENT HORACIO CASTILLO III ISANG ARAW BAGO ANG INITIATION RITES.

INAMIN NAMAN NI VENTURA NA NG PANAHON NG HAZING AY ANDUN ANG PRESENSYA NITO.

SUBALIT ITINANGGI NITO NA BANGGITIN SA SENADO ANG MGA PANGALAN NG SANGKOT SA HAZING AT SA KORTE NA LAMANG ITO MAGSASALITA.

INAMIN NI VENTURA NA PINAYUHAN NITO SI ATIO NA MAGING MATATAG SA KABILA NA NAKIKITA NITO NA HINIHINGAL NA ANG BIKTIMA.

INAMIN DIN NITO NA BAGO NAGSIMULA ANG HAZING NAPANSIN NITO NA TILA PAGOD NA SI ATIO.

IGINIIT DIN NI VENTURA NA APAT (4) NA MIYEMBRO NG FRATERNITY ANG PUMALO NG PADDLE KAY HORACIO SUBALIT ITINANGGI NA ILANTAD ANG MGA PANGALAN NITO.

ANIYA NG BUMAGSAK SI ATIO HINDI NA ITO RESPONSIVE NA IKINABAHALA NA NILA AT MAY ILAN SA KANILA NA INASISTIHAN ANG BIKTIMA SUBALIT LUMABAS NA HINDI AGAD ITO NAIDALA SA HOSPITAL DAHIL SA TAKOT.

Read 116 times Last modified on Monday, 06 November 2017 16:26
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.