JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RESULTA NG PINAKAHULING SWS SURVEY, HINDI DAPAT IKABAHALA NI PANGULONG DUTERTE AYON KAY PROF. RAMON CASIPLE

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NANINIWALA RIN ANG POLITICAL ANALYST NA SI PROF. RAMON CASIPLE NA HINDI DAPAT IKABAHALA NG MALACAÑANG ANG PAGBABA NG BILANG NG MGA PILIPINONG NANINIWALANG KAYANG TUPARIN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG KANIYANG MGA PANGAKO SA PUBLIKO.

ITO ANG REAKSYON NI CASIPLE HINGGIL SA NAGING RESULTA NG PINAKAHULING SURVEY NG SOCIAL WEATHER STATIONS O SWS PARA SA IKATLONG QUARTER NG TAON.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI CASIPLE NA KARANIWANG BUMABABA ANG POPULARIDAD NG ISANG PANGULO SA IKALAWANG TAON NG TERMINO NITO.

PALIWANAG PA NG PROPESOR, ANG RESULTA NG NATURANG SURVEY AY HINDI RIN IBIG SABIHIN NA NAGBAGO NA ANG ISIP NG MGA PILIPINONG SUMUSUPORTA KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

“TOTOONG BUMABABA TALAGA YAN PERO I DOUBT KUNG ANG USAPIN NA IYAN AY USAPIN NG NAGBAGO NA ANG ISIP NG PAGSUPORTA SA PRESIDENTE.” ANI NI CASIPLE

GAYUNMAN, SINABI NI CASIPLE NA DAPAT RING MAGSILBING WAKE-UP CALL SA PANGULONG RODRIDGO ANG MGA NAKALIPAS NA SURVEY DAHIL SENYALES NA ITO NA KAILANGAN DING BIGYAN NG PANSIN ANG IBANG USAPIN TULAD NG KAHIRAPAN AT KORUPSYON.

 

 

Read 136 times Last modified on Monday, 06 November 2017 13:01
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.