JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LACSON, HINDI MAKAKATULONG ANG PAGBANAT SA SOCIAL MEDIA SA ILANG SENADOR

BY: JOJO SICAT

PINAYUHAN NI SENADOR PANFILO LACSON SA ILANG MGA MIYEMBRO AT OPISYAL NG AEGIS JURIS FRATERNITY NA HINDI MAKAKATULONG SA KANILA ANG GINAGAWANG PAGBANAT SA ILANG SENADOR SA SOCIAL MEDIA.

SA PAGBUBUKAS NG PAGDINIG, SINABI NI LACSON NA HUWAG NANG GAWIN NG MGA MIYEMBRO NG AEGIS JURIS FRATERNITY ANG PAGBABANAT SA ILANG SENADOR SA SOCIAL MEDIA.

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG KINUWESTIYON NI LACSON SI JOHN PAUL SOLANO NA ANO ANG NAGING BASEHAN NITO, BAKIT NASABI NITO NA MAY SAKIT SA PUSO SI HORACIO CASTILLO III KAYA NAMATAY ITO SA INITIATION RITES NA ISANAGAWA SA FRAT LIBRARY.

SAGOT NI SOLANO, IBINASE LAMANG NITO SA DEATH CERTIFICATE NG MANILA POLICE DISTRICT (MPD) ANG KAN’YANG NAGING PAHAYAG.

IGINIIT NI LACSON NA ANG PAGKAMATAY NI CASTILLO ANG NAKIKITA NITO KAYA MALAKI ANG PANANAGUTAN NG MGA MIYEMBRO NG FRATERNITY NA KASAMA SA ISINAGAWANG HAZING.

ANIYA NI LACSON KAHIT NA HINDI MAAYOS ANG HEART CONDITION NI ATIO, KUNG HINDI NAGANAP ANG HAZING HINDI ITO MAMAMATAY DAHIL ANG NAG-TRIGGER ANIYA KAYA NASAWI SI ATIO AY ANG PAHIRAP NA DINANAS NITO SA INITIATION RITES.

Read 72 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.