JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANUKALANG BATAS NA MAGPAPALAKAS SA INDUSTRIYA NG ARMAS SA BANSA, APRUBADO NA SA IKALAWANG PAGBASA

BY: FELIX TAMBONGCO

NAAPRUBAHAN NA SA IKALAWANG PAGBASA SA KAMARA ANG PANUKALANG BATAS NA MAGPAPALAKAS SA INDUSTRIYA NG ARMAS SA BANSA.

SA ILALIM NG HOUSE BILL 6525 NA INAKDA NI REP. JOSE GARCIA III, MAGTATAYO NG SPECIAL DEFENSE ECONOMIC ZONE (SPEDEZ) SA GOVERNMENT ARSENAL INDUSTRIAL ESTATE IN CAMP GENERAL ANTONIO LUNA SA LIMAY, BATAAN. LAYON NITO NA PALAKASIN ANG INVESTMENT OPPORTUNITIES SA LOOB NG ECONOMIC ZONE HABANG NAGPAPALAKAS NG DEFENSE CAPABILITIES AT SA PAGIGING GLOBALLY COMPETITIVE, CENTRALIZED GOVERNMENT-SANCTIONED ARMS INDUSTRY.

ANG LOKAL NA INDUSTRIYA AY MAGLILIKHÀ NG CONVENTIONAL WEAPONS AT EQUIPMENT PARA SA DOMESTIC USE AT EXPORT.

ANG SPEDEZ AY SASAKLAW SA MAY TATLONG DAAN AT PITUMPUNG (370) EKTARYANG  BAHAGI NG CAMP GENERAL LUNA SA LIMAY, BATAAN AT SA IBA PANG LUGAR NA IDINEKLARANG BAHAGI NG SPEDEZ BATAY SA REPUBLIC ACT NO. 1884.

MAGIGING ACCESIBLE RIN ANG SPEDEZ PARA SA GOVERNMENT ARSENAL PARA TUSTUSAN ANG PANGANGAILANGAN NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP), PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) AT IBA PANG LAW-ENFORCEMENT AGENCIES.

SAKALI AT GANAP NA MAISABATAS ANG PANUKALA, MÀGKAKALOOB NG FISCAL INCENTIVES, KABILANG NA ANG PAGBIBIGAY NG INVESTOR’S VISA SA MGA DAYUHAN NA MAG I-INVEST NG US$200,000 SA ANYO NG CASH O EQUIPMENT.

Read 39 times Last modified on Monday, 06 November 2017 12:27
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.