JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGHULI SA ILIGAL NA NAGMIMINA O ILIGAL NA KWARI, HINDI LAMANG TUNGKULIN NG DENR AYON SA MGB

BY: FELIX TAMBONGCO

HINDI LAMANG TUNGKULIN NG DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) AT NG MINES AND GEOSCIENES BUREAU (MGB) ANG PANGHUHULI AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.

MAY TUNGKULIN DIN ANG MGA MAMAMAYAN NA IPAGBIGAY ALAM SA KINAUUKULAN ANG MGA ILIGAL NA AKTIBIDAD TULAD NG ILIGAL NA PAGMIMINA.

SUBALIT, NAGDADALAWANG-ISIP ANG ORDINARYONG MAMAMAYAN KAHIT PA ANG LOKAL NA OPISYAL NA MAGSUMBONG O MANGHULI NG ILIGAL NA PAGMIMINA O PAGKUKWARI SA TAKOT NA MABALIKAN O SILA PA ANG MAKASUHAN NG MGA MAY-ARI NG ILIGAL NA MINAHAN.

PAGLILINAW NI ENGINEER KRIZIA ANN ALBERTO, OIC MINE MANAGEMENT DIVISION NG MGB CALABARZON, ANG KAWALAN NG KAALAMAN AT KAPANGYARIHAN NG SIMPLENG MAMAMAYAN O LOKAL NA OPISYAL ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NAGSUMBONG O MAKAPANGHULI.

KAYA NGA'T ANG GINAWA NG MGB CALABARZON SA ILALIM NG PAMUMUNO NI REGIONAL DIRECTOR SAMUEL PARAGAS AT NAGDE-DEPUTIZE SILA NG MGA INDIBIDWAL AT LOKAL NA OPISYAL MAGING NG MGA PULIS AT NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) PARA MABIGYAN NG KAPANGYARIHAN NA MAKAPANGHULI AT MAKAPAGSAMPA NG KASO LABAN SA MGA ILIGAL NA NAGMIMINA O NAGKUKWARI.

SUBALIT HINDI UMANO BIRO ANG PAGDE-DEPUTIZE DAHIL KAILANGAN PA MUNANG SUMALANG SA SEMINAR AT PAG-ARALAN ANG ILANG BAHAGI NG MINING ACT BAGO MAISYUHAN NG DEPUTATION.

PAGLILINAW PA NI ENGR. ALBERTO, ANG MGA NAISYUHAN NILA NG CERTIFICATE OF DEPUTATION AY MAAARI NANG MANGHULI NG ILIGAL NA NAGMIMINA, MÀGSAMPA NG KASO AT MAGKUMPISKA NG KAGAMITAN AT ILLEGALLY SOURCE MINERAL AT MINERAL PRODUCTS.

AYON PA KAY ALBERTO, SA KASALUKUYAN AY MARAMI NA SILANG MAISYUHAN NG DEPUTATION NA NAGSISILBING KAAGAPAY NGAYON NG MGB SA MGA LOKALIDAD DAHIL HINDI NAMAN ORAS-ORAS O ARAW-ARAW NA NAROON ANG TAUHAN NG DENR PARA MAGBANTAY.

SA KASALUKUYAN DIN UMANO AY MAY NAHULI NA AT MAY MGA NASAMPAHAN NA NG KASO DAHIL SA ILIGAL NA OPERATION DAHIL NA RIN SA RULING NG MGA DEPUTIES PERSONNEL.

 

 

Read 141 times Last modified on Monday, 06 November 2017 12:28
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.