JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
WIN,  SUPORTADO ANG COA SA PANAWAGANG IMBESTIGASYON SA ANOMALYA SA MALAMPAYA FUNDS

BY: JOJO SICAT

SUPORTADO NI SENADOR WIN GATCHALIAN ANG PANAWAGAN NG COMMISSION ON AUDIT (COA) UKOL SA MAANOMALYANG PAGGAMIT NG MALAMPAYA FUNDS NOONG TAON 2004 AT 2012 NA UMAABOT SA P36.288 BILYON .

IGINIIT NI GATCHALIAN NA MATAGAL NA NITONG INAANTAY ANG IMBESTIGASYON SA MAANOMALYANG PAGGAMIT SA MALAMPAYA FUNDS.

ANIYA IGINIIT RIN NITO ANG NATURANG MGA DISCREPANCIES SA KOLEKSYON AT DISBURSEMENT SA NATURANG PONDO NITONG NAKARAANG PAGDINIG SA BUDGET HEARING SA SENADO. NANINIWALA SI GATCHALIAN SA REKOMENDASYON NG COA PANAHON NA UPANG IMBESTIGAHAN NG SENADO ANG NATURANG ANOMALYA.

ANIYA NASAYANG ANG PONDO PARA SA PAGPAPATAYO NG MGA IMPRASTRAKTURA PARA SA KINABUKASAN NG BANSA NG DAHIL LAMANG SA MGA TIWALING OPISYAL NA DAPAT NA MAIMBESTIGAHAN AT MAPANAGOT SA BATAS.

Read 101 times Last modified on Monday, 06 November 2017 12:33
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.