JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SERYE NG PAGBABABA NG PASAHERO NG MRT-3 BINATIKOS NG KONGRESISTA

BY: FELIX TAMBONGCO

BINATIKOS NI ANAKPAWIS PARTY-LIST REP. ARIEL CASILAO ANG SERYE NG PAGBABABA NG PASAHERO NG MRT 3.

AYON KAY CASILAO ANG TATLONG MAGKAKASUNOD NA PAGBABABA NG PASAHERO KAHAPON NOVEMBER 3, AY NAGPAPAKITA LAMANG NA KAILANGAN NANG UMAKSYON NG GOBYERNO AT HUWAG NG MAGHINTAY PA NG MAS MALALANG AKSIDENTE

NOONG NOVEMBER 1, TUMIRIK DIN AT NAGBABA NG PASAHERO ANG MRT DAHIL SA TECHNICAL PROBLEM SA PINTUAN, PRENO ATBP .

SINABI NG KONGRESISTA NA ANG TECHNICAL PROBLEM AY BAHAGI NG MAS MALALANG PROBLEMA SA OPERASYON NG MRT AT SA MAINTENANCE.

SA KABILA UMANO NA ANG  DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AY NAGHAIN NG REKLAMO LABAN SA DATING DOTC OFFICIALS SA  OMBUDSMAN, HINDI PA RIN KINAKANSELAN NG DOTR ANG KONTRATA NG BUSAN UNIVERSAL RAILWAY INC. (BURI) PARA MAPAGBIGYAN NAMAN ANG IBANG SERVICE PROVIDER NA KATAPAT DAPAT HUMAWAK NG MRT3’S MAINTENANCE. 

UNA NA RING NAG-ISYU ANG DOTR NG NOTICE OF TERMINATION SA BURI SUBALIT HANGGANG SA KASALUKUYAN UMANO AY SILA PA RIN ANG MAY HAWAK NG MRT3.

IDINAGDAG PA NI CASILAO NA MUKHANG ANG KAYA LANG NI SEC. TUGADE AT NG GOBYERNONG AY MGA MALILIIT NA JEEPNEY DRIVERS AT OPERATORS.

DAPAT UMANONG MAHIYA ANG DOTR HINDI LAMANG SA MGA MANANAKAY NG MRT KUNDI MAGING SA MGA TAXPAYER  AY NAGPAPAKITA LAMANG NA KAILANGAN NG UMAKSYON NG GOBYERNO AT HUWAG NG MAGHINTAY PA NG MAS MALALANG AKSIDENTE.

Read 157 times Last modified on Monday, 06 November 2017 12:45
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.