JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
8 KATAO KABILANG ANG 2 BATA PATAY SA LUMUBOG NA BANGKA SA BINANGONAN RIZAL

BY: FELIX TAMBONGCO

PATAY SA PAGKALUNOD ANG 8 KATAO MATAPOS NA TUMAOB ANG SINASAKYANG BANGKA NG MGA ITO SA BINANGONAN RIZAL KAHAPON.

ANG MGA BIKTIMA AY NAKILALANG SINA MALOU CANDOL 39 YEARS OLD, RESIDENTE NG CAINTA RIZAL, MARILOU PAPA 43 YEARS OLD RESIDENTE NG CAINTA RIZAL, ROLINO FARIÑO JR. 43 YEARS OLD, WELDY ORTEZA 42 YEARS OLD, JIANNA JENZEN FARIÑO 2 YEARS OLD, SEAN WILFRED ORTEZA 9 YEARS OLD, FREDERICK ORTEZA 39 YEARS OLD AT DIMARETH MENDOZA, PAWANG MGA RESIDENTE NG SIGNAL VILLAGE  TAGUIG CITY.

AYON KAY NOLI CELESTRA, NG BINANGONAN MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE, DÀKONG 1:30 NG HAPON NG LIMUBOG ANG BANGKA NA SINASAKYAN NG MGA BIKTIMA.

PABALIK NA UMANO ANG MGA BIKTIMA GALING SA PATAWARAN FISHPEN MATAPOS NA DUMALO SA BIRTHDAY NA GINANAP SA NASABING PALAISDAAN SAKAY NG BANGKA NA MINAMANEHO NG BOAT OPERATOR NA SI JERSON DECRETO.

MASAYANG NAGSESELFIE UMANO ANG MGA BIKTIMÀ HABANG SAKAY NG BANGKA NG BIGLA ITONG TUMAGILID HANGGANG SA TULUYANG TUMAOB AT LUMUBOG.

ANG BANGKA AT YARI SA FIBER GLASS NA SA KABILA LAMANG ANG KATIG NA UMANO’Y GINAGAMIT NA SERVICE NG PATAWARAN FISHPEN.

DÀKONG ALAS 4:00 NA NANG HAPON NG ISA ISANG MARECOVER ANG MGA BIKTIMA AT AGAD NA DINADALA SA RIZAL PROVINCIAL HOSPITAL SYSTEM, BINANGONAN RIZAL O MARGARITO DUAVIT HOSPITAL, ALAS 6: NA NANG HAPON NG MAKUHA ANG PINAKAHULING BIKTIMÀ. 

AYON KAY DR. DAQUIGAN HEAD DOCTOR NG RPH BINANGONAN, PAWANG WALA NANG BUHAY NG IDATING ANG MGA BIKTIMA.

SAMANTALA, HINAHANAP NAMAN NGAYON NG BINANGONAN PNP ANG OPERATOR NG BANGKA NA SI DECRETO PARA MAGBIGAY LINAW SA PANGYAYARI, HINDI NA ITO INABUTAN NG MGA AWTORIDAD NG PUNTAHAN SA PALAISDAAN.

Read 318 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.