JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TULONG PINANSYAL IPINAGKALOOB NG DENR SA MGA LGU PARA SA PAGSASAAYOS NG SOLIDWASTE MANAGEMENT SYSTEM

BY: FELIX TAMBONGCO

PARÀ TUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG ILANG LOKAL NA PAMAHALAAN SA IMPLEMENTASYON NG  ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT O ANG REPUBLIC ACT 9003 AT CLEAN WATER ACT, NAMAHAGI NG TULONG PINANSYAL AT TEKNIKAL ANG DENR BATAY NA RIN SA MANDATO NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA AYUSIN ANG PROBLEMA NG BASURA SA BANSA.

SA CALABARZON REGION NAMAHAGI ANG DENR- ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU SA MGA LOCAL GOVERNMENT UNITS NG KARÀGDAGANG PONDO PARA SA PAGSASAAYOS NG MGA MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF) GANUN DIN SA SOLID WASTE MANAGEMENT SYSTEM (SWMS) SA MGA PALENGKE.

AYON KAY DIRECTOR NOEMI PARANADA, NAGIGING PROBLEMA NG ILANG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG IMPLEMENTASYON NG ENVIRONMENTAL LAW'S DAHILAN NA RIN SA KAKULANGAN NG RESOURCES AT KAWALAN NG SAPAT NA KAALAMAN.

SINABI PA NI PARANADA NA SA TULONG NI SENATOR LOREN LEGARDA AT NG DEPARMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) AY NAPONDOHAN ANG KANILANG PROGRAMA PARA TULUNGAN ANG ILANG LOKAL NA PAMAHALAAN.

KABILANG SA NAPONDOHAN AY ANG PAGSASAGAWA NG MRF NA TIG P470,725 BAWAT MUNISIPALIDAD SA NASABING PONDO ANG P294,500 AT INILAAN PARA SA PAGGAWA NG ISTRUKTURA HABANG ANG P179,225 AT PARA SA PAGBILI NG SHREDDER O PANGGILING SA MGA HINDI NABUBULOK NA BASURA.

ANG MGA NAPAGKALOOBAN NG PONDO PARA SA MRF AY ANG 2 BAYAN SA LALAWIGAN NG RIZAL, PILILLA AT ANTIPOLO, SA LAGUNA AT ANG MGA BAYAN NG PAKIL, LUMBAN, FAMY, AT SAN PEDRO, AS BATANGAS, IBAAN AT PADRE GARCIA, LUCENA CITY AT CATANAUAN SA QUEZON AT SA CAVITE AT ANG MGA BAYAN NG SILANG MAGGALLANES GEN. TRIAS, MARIGONDON AT GEN. EMILIO AGUINALDO.

ANG MGA BAYAN NAMAN NA NABIGYAN NG TIG P190,000 PARA SA PAGSASAAYOS NG SWMS AY ANG SINILOAN, LILIW AT CAVINTI SA LAGUNA, CARDONA, MORONG AT ANGONO SA RIZAL, MALVAR AT MABINI SA BATANGAS AT IMUS AT NAIC SA CAVITE.

NAGPAABOT NAMAN NG PASASALAMAT SI PILILLA RIZAL MAYOR DAN MASINSIN, AYON SA KANYA MALAKING BAGAY PARA SA KANILA ANG IPINAGKALOOB NA PONDO AT TULONG TEKNIKAL NG DENR PARA MAISAKATUPARAN PAGKAKAROON NG ISANG MAAYOS NA MRF SA KANiLANG BAYAN.

SA PROBISYON RA9003, ANG PROBLEMA NG BASURA AY RESPONSIBILIDAD NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN, BAGAMAT ANG MONITORING AT REGULASYON AY NASASAILALIM NG DENR.

MAARAMING PAGKAKATAON NA ANG KAWALAN NG AKSYON NG ILANG OPISYAL NG LOKAL NA PAMAHALAAN, ANG DENR ANG NAPAGBUBUNTUNAN NG PANINISI NG TAUMBAYAN.

Read 103 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.