JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
2 MILYONG KATAO, INAASAHANG DUMAGSA SA MANILA NORTH CEMETERY NGAYONG UNDAS

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

INAASAHAN NG PAMUNUAN NG MANILA NORTH CEMETERY O MNC NA AABOT SA DALAWANG (2) MILYON ANG DADALAW SA KANILANG MGA PUMANAW NA MAHAL SA BUHAY NGAYONG UNDAS.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DANIEL TAN, DIREKTOR NG MNC NA SA NGAYON AY TINATAYANG NASA 17,000 KATAO PA LAMANG ANG BUMIBISITA SA NATURANG SEMENTERYO.

PALIWANAG NI TAN, TUWING OKTUBRE 31 KARANIWANG DUMADAGSA SA MNC DAHIL NAKAGAWIAN NA NG MGA PILIPINO NA SALUBUNGIN ANG ARAW NG MGA PATAY SA SEMENTERYO MISMO.

KAUGNAY NITO, HINIMOK NAMAN NI TAN ANG PUBLIKO NA HUWAG IWAN ANG MGA BASURA SA SEMENTERYO AT KUNG MAAARI AY ITAPON ITO NANG MAAYOS UPANG HINDI NA MAKADAGDAG PA SA TRAK-TRAK NA BASURANG KANILANG HINAHAKOT DOON TUWING UNDAS.

MULI RING NAGPAALALA ANG PAMUNUAN NG MNC NA HINDI PAHIHINTULUTAN ANG PAGDADALA NG ANG MGA MATATALIM NA BAGAY TULAD NG KUTSILYO,  ICE PICK, SCREW DRIVER, ITAK AT IBA PA GAYUNDIN ANG MGA ALAGANG HAYUP AT MGA MAIINGAY NA BAGAY GAYA NG BLUETOOTH SPEAKER, GITARA AT NANG MGA FLAMMABLE MATERIALS GAYA NG THINNER, GAS AT IBA PA.

BAWAL DIN ANG PAGDADALA NANG KAHIT ANONG INUMING NAKAKALASING AT ANUMANG BAGAY NA MAY KINALAMAN SA SUGAL.

Read 126 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.