JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GRAB NAKIKIPAG-UGNAYAN NA SA LTFRB UPANG MATIYAK ANG SEGURIDAD NG KANILANG MGA DRIVER

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PINAG-AARALAN NA NG TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICES O TNVS NA GRAB PHILIPPINES ANG ILANG HAKBANG UPANG MATIYAK ANG SEGURIDAD NG KANILANG MGA DRIVER-PARTNERS.

ITO AY KASUNOD NA RIN NG PAGPATAY NG HINDI PA NAKIKILALANG MGA SUSPEK SA ISANG GRAB DRIVER NA SI GERARDO AMOLATO MAQUIDATO AT TANGAYIN PA ANG SASAKYAN NITO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI GRAB SPOKESPERSON LEO GONZALES NA BALAK NILANG IPAG-UTOS SA KANILANG MGA DRIVER NILA NA HUMINGI NG ID SA MGA PASAHERO BAGO ITO PASAKAYIN UPANG KUMPIRMAHIN ANG KATAUHAN NG ITO.

GAYUNMAN, AMINADO NAMAN SI GONZALES NA ISA LAMANG ITONG PANSAMANTALANG SOLUSYON KAYA NAKIKIPAG-UGNAYAN NA RIN SILA SA LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD O LTFRB PARA SA KARAGDAGANG HAKBANG PARA SA MASIGURO ANG KALIGTASAN NG DRIVER GAYUNDIN ANG MGA PASAHERO.

MAYROON DIN ANIYA SILANG DINEDEVELOP NA TEKNOLOHIYA PARA MAPAIGTING ANG SEGURIDAD NG KANILANG MGA KOSTUMER AT DRIVER.

 “BUKOD SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA LTFRB, MERON NA RIN PO KAMING MGA STEPS THAT WE ARE UNDERTAKING USING TECHNOLOGY NA HINDI PO NAMIN NGAYON MABABANGGIT MUNA DAHIL AYAW PO NATING MALAMAN NILA ANG MGA GINAGAWA NATIN.” ANI NI GONZALES.

Read 123 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.