JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PNP-CIDG BIBIGYAN NG KAPANGYARIHAN NA MAG-ISYU NG SUBPOENA DUCESTECUM AT SUBPOENA TESTIFICANDUM

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING IBABALIK ANG KAPANGYARIHAN NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION GROUP (PNP-CIDG) NA MAG-ISYU NG SUBPOENA AD TESTIFICANDUM O SUBPOENA DUCES TECUM.

ITO’Y SAKALI AT MAGING GANAP NA BATAS ANG HOUSE BILL 4863 NA MAG-AAMYENDA SA REPUBLIC ACT NO. 6975 O ANG THE DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT ACT OF 1990.

LAYON NG PANUKALA NA PALAKASIN ANG KAPANGYARIHAN NG PNP-CIDG SA PAGKALAP NG MGA DOKUMENTO, PAGKUHA NG MGA IMPORMASYON AT TESTIGO SA ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON.

AYON KAY REP. FRANCISCO JOSE MATUGAS II (1ST DISTRICT, SURIGAO DEL NORTE) MAY-AKDA NG PANUKALA, SA ILALIM NG KASALUKUYANG BATAS, WALANG KAPANGYARIHAN ANG PNP O CIDG NA MAG-ADMINISTER NG OATH PARA MAG-ISYU NG SUBPOENA AT SUBPOENA DUCES TECUM.

SA ILALIM RIN NG KASALULUYANG BATAS, IBINIGAY SA NAPOLCOM ANG KAPANGYARIHAN NA MAG-ISYU NG SUBPOENA AT SUBPOENA DUCES TECUM SA MGA KASO LABAN SA KANILANG MGA PERSONNEL.

MALIBAN SA NAPOLCOM, MAAARI RING MAG-ISYU NG ADMINISTRATIVE SUBPOENA AT SUBPOENA DUCES TECUM ANG OMBUDSMAN, DEPARTMENT OF JUSTICE, NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION, PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY, BUREAU OF INTERNAL REVENUE, AT ANG CYBERCRIME OPERATION CENTER NG CYBERCRIME INVESTIGATION COORDINATION CENTER.
 
“

AYON NAMAN KAY ANTIPOLO REP. ROMEO ACOP, NAKAKAGULAT NA ANG PNP-CIDG NA SIYANG MAIN ENFORCEMENT AGENCY SA BANSA AY WALANG KAPANGYARIHAN NA MAG-ISYU NG ADMINISTRATIVE SUBPOENA NA NAPAKAHALAGA SA ALINMANG FACT FINDING INVESTIGATION.

ANG PANUKALA AY LUSOT NA SA IKALAWANG PAGBASA SA KAMARA.

Read 1102 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.