JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BAGONG WITNESSES SA PAGKAKAPATAY SA BINATILYONG SI CARL ARNAIZ, LUMUTANG SA CIDG

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM


LUMUTANG SA CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) - NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) KAGABI ANG ISANG MAG-ASAWA AT NAGSABING NAKITA NILA SI CARL ANGELO ARNAIZ NA UNANG NAGPAPUTOK NG BARIL SA MGA PULIS NOONG AGOSTO 18 SA CALOOCAN CITY.

AYON SA ULAT, NAGPUNTA ANG MAG-ASAWA SA CIDG DAHIL LUBHA NA SILANG NABABAGABAG MULA NANG MASAKSIHAN ANG INSIDENTE.

KWENTO NG MAG-ASAWA NA NAMAMASADA SA TRICYCLE, MAY HINATID SILANG PASAHERO SA TORCILLO STREET BANDANG ALAS TRES Y MEDYA (3:30) NG MADALING ARAW NANG MAY MAKITA SILANG MGA LALAKING TUMATAKBO PAG DAAN NILA SA C3 ROAD.

NAMATAAN NILA ANG ISANG LALAKING NAKASUOT NG ITIM NA JACKET NA HINAHABOL NG DALAWANG LALAKING NA SUMISIGAW NA SILA AY MGA PULIS.

MATAPOS NITO AY BUMUNOT NA NG BARIL ANG LALAKING NAKA-ITIM NG JACKET AT PINAPUTUKAN ANG MGA PULIS.

HUMARUROT NA SILA AT NAGTAGO SA TORCILLO STREET AT LUMABAS NA LAMANG NANG DUMATING NA ANG IBA PANG MGA PULIS.

NALAMAN NA LAMANG ANIYA NILA SA MGA BALITA NA ANG LALAKING NAKITA NILA SA LUGAR AY SI ARNAIZ.

SA NGAYON KINUKUMPIRMA PA NI POLICE SENIOR SUPERINTENDENT WILSON ASUETA ANG SALAYSAY NG MAG-ASAWA.

Read 121 times Last modified on Thursday, 26 October 2017 19:00
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.