JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SERBISYO NG BURI PARA SA MAINTENANCE NG MRT-3 TULOY PA RIN SA KABILA NG TERMINATION NOTICE NG DOTR

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

TULOY PA RIN ANG OPERASYON NG BUSAN UNIVERSAL RAIL INCORPORATED O BURI PARA SA PAGBIBIGAY NG MAINTENANCE SERVICE SA METRO RAIL TRANSIT LINE 3 O MRT-3.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI BURI LEAD COUNSEL ATTY. CHARLES MERCADO NA HANGGANG BUKAS PA ANG DEADLINE PARA MAKAPAGSUMITE SILA NG POSITION PAPER SA TERMINATION NOTICE NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION O DOTR.

MATAPOS NILANG MAKAPAGSUMITE NG KANILANG POSITION PAPER AY MAY SAMPUNG (10) ARAW PA ANG DOTR PARA MAGDESISYON KUNG TULUYAN NA NGANG KAKANSELAHIN ANG KANILANG KONTRATA.

KAUGNAY NITO, IGINIIT DIN NI MERCADO NA HANDA ANG BURI NA PATUNAYANG HINDI SILA NAGKULANG SA PAGSESERBISYO SA MRT-3 AT SA KATUNAYAN AY NAPAPABABA PA NILA ANG BILANG NG ABERYA SA OPERASYON NITO.

PALIWANAG PA NITO, WALA SA KANILANG KONTRATA NA MA-ZERO ANG ABERYA SA MRT-3 KAYA HINDI DAPAT MAKANSELA ANG KANILANG KONTRATA.

TINIYAK NAMAN MERCADO NA HINDI NILA ISASABOTAHE ANG OPERASYON NG MRT DAHIL LAMANG SA HINDI NILA PAGKAKAUNAWAAN NG DOTR.

Read 117 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.