JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES, ITINANGGI NA PINIGILAN ANG STATE VISIT NI US PRESIDENT TRUMP

BY: JOJO SICAT

ITINANGGI NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG ALEGASYON NA KAYA ITO NAGTUNGO SA ESTADOS UNIDOS UPANG PIGILAN ANG NAPIPINTOMG STATE VISIT NI UNITED STATES PRESIDENT DONALD TRUMP SA PILIPINAS.

AYON KAY TRILLANES PLANADO NA ANG PAGTUNGO NG PANGULO NG AMERIKA SA PILIPINAS SA SUSUNOD NA BUWAN AT HINDI NA ITO MAARING MAPIGILAN NINO MAN.

IGINIIT DIN NI TRILLANES NA ANG PAKIKIPAGKITA NA GINAWA NITO KAY US SENATOR MARCO RUBIO AY PINAG-USAPAN NILA KUNG PAANO PA MAS MAPAPAGANDA ANG RELASYON NG PILIPINAS SA ESTADOS UNIDOS.

TINALAKAY DIN NG DALAWA ANG TUNGKOL SA KATIWALIAN AT ANG HUMAN RIGHTS SITUATION SA PILIPINAS.

INAMIN NI TRILLANES NA INILATAG NITO KAY SENADOR RUBIO ANG TUNAY NA KALAGAYAN SA BANSA .

GIIT PA NG SENADOR HINDI MAPAPAIKOT NG DUTERTE ADMINISTRATION ANG GOBYERNO NG US DAHIL ALAM NILA ANG TUNAY NA NANGYAYARI SA PILIPINAS.

DAGDAG PA NI TRILLANES HUMARAP ITO KAY SENADOR RUBIO PARA SA INTERES NG PILIPINAS SUBALIT NILINAW NG SENADOR NA IBA ANG INTERES NITO SA INTERES NI PANGULONG DUTERTE.

Read 171 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.