JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KAMARA LALONG LUMALAKAS SA PAGKAKAIBA NG OPINYON AT PAGGALANG SA DESISYON NG MAYORYA, AYON KAY MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGIGING MAS MALAKAS ANG MAJORITY AT ANG RELASYON SA PAGITAN NG LIDERATO NITO HABANG NAGKAKAROON NG OPINYON AT PAGGALANG SA DESISYON NG NAKAKARAMI.

REAKSYON ITO NI HOUSE MAJORITY LEADER  RODOLFO FARIÑAS MATAPOS PAGBOTOHAN ANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY COMELEC CHAIRMAN ANDY BAUTISTA.

SA NATURANG BOTOHAN SA PLENARYO NG KAMARA, BUMOTO SI FARINAS PABOR SA COMMITTEE REPORT NA NAGBABASURA SA IMPEACHMENT HABANG SINA SPEAKER PANTALEON ALVAREZ AT IBANG DEPUTY SPEAKER AY BUMOTO PABOR SA IMPEACHMENT O KONTRA SA COMMITTEE REPORT.

AYON KAY FARIÑAS, PERSONAL NIYA ITONG GINAWA KATULAD NG LAGI NIYANG GINAGAWA KAPAG NAGBUBUKAS AT NAGSASARA ANG SESYON, NIYA UMANO ANG PERSONAL NA NAGMOMOSYON PARA SA ADJOURNMENT NG SESYON.

SINABI PA NITO NA ANG IMPEACHMENT KAY CHAIRMAN BAUTISTA AY NAPAGPASYAHAN SA ISINAGAWANG CAUCUS PARA SA NATURANG USAPIN.

GAYUNPAMAN, SA ILALIM NG RULES NG KAMARA, ANG ISANG BUMOTO SA KOMITE PABOR SA COMMITTEE REPORT NG WALANG RESERBASYON O KWALIPIKASYON AY HINDI NA PWEDENG BUMOTO KONTRA SA COMMITTEE REPORT PAGDATING SA PLENARYO.

KAYA’T KAHIT PA PABOR SA IMPEACHMENT TULAD NI JUSTICE COMMITTEE CHAIR REYNALDO UMALI AY HINDI NA PWEDENG BUMOTO KONTRA SA COMMITTEE REPORT.

IDINAGDAG PA NI ALVAREZ NA BAGAMAT MAGKAKAIBA ANG BOTO NG LIDERATO AT MGA MIYEMBRO NG KAMARA AY WALA NAMAN TALAGANG TUNAY NA PAGKAKAIBA.

BAGO ANG BOTOHAN, UNA NG SINABI NI FARIÑAS NA ANUMAN ANG KAHINATNAN NG BOTOHAN, ANG KAGUSTUHAN NG NAKARARAMI ANG MASUSUNOD.
IMINUNGKAHI RIN NITO SA KANYANG MGA KASAMAHAN NA HUWAG SUMUNOD SA KANYANG MAGIGING BOTO SA NASABING USAPIN.

ITO UMANO ANG ROLE NIYA BILANG MAJORITY LEADER.

Read 554 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.