JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HOUSE JUSTICE COMMITTEE, IDINEKLARANG SUFFICIENT ANG GROUNDS NG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY CHIEF JUSTICE SERENO

 BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

IDINEKLARA NG HOUSE JUSTICE COMMITTEE NA SUFFICIENT ON GROUNDS ANG REKLAMONG IMPEACHMENT LABAN KAY SUPREME COURT (SC) CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO.

ITO AY MATAPOS MAKAKUHA NG 25 NA BOTO ANG MOSYON NI MISAMIS OCCIDENTAL REPRESENTATIVE HENRY OAMINAL NA APRUBAHAN NA NG KOMITE NA MAY SAPAT NA BASEHAN ANG REKMALONG INIHAIN NI ATTY. LARRY GADON.

DALAWANG MIYEMBRO LAMANG NG PANEL ANG BUMOTO LABAN SA MOSYON NI OAMINAL.

NAUNA RITO, HINILING NG KAMPO NI SERENO NA PAYAGAN MA-CROSS EXAMINE ANG  MGA SAKSI LABAN SA KANYA SAPAGKAT NAKASAAD NAMAN DAW ITO SA ILALIM NG SALIGANG BATAS GAYUNDIN SA IMPEACHMENT RULES NG MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO.

MATATANDAANG NITONG SETYEMBRE 14 NANG IDEKLARA NG KOMITE NA SUFFICIENT ANG FORM AT SUBSTANCE NG REKLAMONG ITO NI GADON NA NAG-UGAT SA PAGLABAG UMANO NI SERENO SA KONSTITUSYON, CORRUPTION, OTHER HIGH CRIMES AT BETRAYAL OF PUBLIC TRUST.

Read 691 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.