JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BATAS SA PAGPAPALIBAN SA BARANGAY AT SK ELECTIONS, NILAGDAAN NA NI PANGULONG DUTERTE AYON SA COMELEC

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

KINUMPIRMA NA NG MALACAÑANG NA NILAGDAAN PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG BATAS NA MAGPAPALIBAN SA BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN O SK ELECTIONS NA NAKATAKDA SANA NGAYONG OCTOBER 23, 2017.

AYON KAY COMMUNICATIONS SEC. MARTIN ANDANAR, PIRMADO NA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE KAHAPON ANG SENATE BILL 1584 O BILANG ISANG GANAP NA BATAS NA REPUBLIC ACT 10952 KAGABI.

NAKASAAD SA BAGONG BATAS NA “HOLD-OVER” O MANANATILI SA POSISYON ANG MGA NAKAUPONG OPISYAL NG BARANGAY MAGING ANG MGA BARANGAY OFFICIALS NA NAITALAGANG EX-OFFICIAL SA SANGGUNIANG BAYAN AT SANGGUNIANG PANLALAWIGAN.

MAY KAPANGYARIHAN DIN ANG PANGULO SA PAMAMAGITAN NG EXECUTIVE SECRETARY NA MAG-APPOINT NG MGA BAGONG OPISYAL SA BARANGAY PARTIKULAR SA MGA OPISYAL NA KASAMA SA NARCO-LIST.

ITINAKDA ANG HALALAN SA IKALAWANG LUNES NG BUWAN NG MAYO SA 2018.

NAUNA RITO, INANUNSYO SA INSIDER EXCLUSIVE KAPIHAN FORUM NG DZRJ KANINANG UMAGA NI COMMISSION ON ELECTIONS O COMELEC SPOKESPERSON JAMES JIMENEZ NA NAIPAGBIGAY ALAM NA SA KANIYA ANG PAGLAGDA NG PANGULO SA BARANGAY AND SK ELECTIONS 2017 POSTPONEMENT BILL.

Read 237 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.