JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SEC. UBIAL NAGISA SA CA

BY: JOJO SICAT

NAGISA SA MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT SI DEPARTMENT OF HEALTH (DOJ) SECRETARY PAULYN UBIAL MATAPOS NA KWESTIYUNIN ANG MARAMING BESES NA PAGBIYAHE NITO SA IBAYONG DAGAT NA KASAMA ANG PAMILYA NITO.

SA NATURANG PAGDINIG SA PAGSALANG NI UBIAL PARA SA KUMPIRMASYON NITO SA MAKAPANGYARIHANG CA BINUSISI NI SENADOR VICENTE TITO SOTTO III UMANO’Y MAGARBONG FOREIGN TRIPS NG KALIHIM KUNG SAAN NAPAG-ALAMAN NA SA LOOB LAMANG NG MAHIGIT 2 BUWAN NITO SA PWESTO NAKABYAHE NA ANG KALIHIM NG 6 NA BESES ABROAD.

ISA RIN SA MGA NAPUNA NI SOTTO ANG PAGSAMA NITO NG KANYANG PAMILYA SA MGA LAKAD NITO SA IBAYONG DAGAT.

PALIWANAG NI UBIAL HALOS KALAHATI LAMANG NG KANYANG FORIEGN TRIP ANG NASAGOT NG GOBYERNO AT ANG KALAHATI DITO AY SINAGOT NG WORLD HEALTH ORGANISATION (WHO) AT NG MGA NON GOVERNMENT ORGANISATION (NGOS).

SINABI PA NI UBAIL NA SARILING BULSA NITO ANG MGA GINASTOS NA KASAMA ANG KANYANG PAMILYA.

HINDI NAMAN KUNTENTO SI SOTTO SA PALIWANAG NI UBIAL DAHIL POSIBLENG MAY INTERES NA MAG BENTA NG PRODUKTO NG GAMOT ANG MGA NGOS NA SUMAGOT SA MGA LAKAD NG KALIHIM.

AMINADO NAMAN SI UBIAL NA SIMULA NG MAUPO ITO NOONG AUGUST 2016 HANGGANG SA KASALUKUYAN UMABOT SA 15 BESES ANG FOREIGN TRIPS NITO.

BUKOD DITO HINDI RIN KUMBINSIDO SI SOTTO SA PAMAMAHAGI NG DOH NG MGA CONDOM SA MGA HIGH SCHOOL STUDENTS NA PINAGLAANAN NG P159 MILYON.

SINABI PA NI SOTTO, KUNG HINDI MADESISYUNAN NG CA ANG APPOINTMENT NI UBIAL BAGO MAGBREAK ANG SESSION NEXT WEEK, ITO NA ANG IKATLONG BYPASS NG KALIHIM AT POSIBLENG PAGBOTOHAN NA AGAD NILA ITO SA PAGBALIK NG SESSION SA NOBYEMBRE

Read 211 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.