JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGTATAAS NG PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS, INAASAHAN NA AYON SA GRUPO NG SUPERMARKET OWNERS

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

INAASAHAN NA NG GRUPO NG MGA SUPERMARKET OWNERS ANG PAGTATAAS NG PRESYO NG MGA SANGKAP PANG-NOCHE BUENA DAHIL SA NALALAPIT NA KAPASKUHAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI PHILIPPINE AMALGAMATED SUPERMARKETS ASSOCIATION PRESIDENT STEVEN CUA NA HINDI MAIIWASAN ANG DAGDAG-PRESYO SA MGA BILIHIN LALONG LALO NA SA NOCHE BUENA ITEMS DAHIL NA RIN SA KARANIWANG TUMATAAS ANG DEMAND PARA RITO.

PALIWANAG PA NI CUA, KAPAG MATAAS ANG DEMAND SA ILANG ITEMS AY KAILANGAN DING MAG-ADJUST NG MANUFACTURERS AT DAGDAGAN ANG KANILANG LABOR FORCE KAYA MADADAGDAGAN DIN ANG GASTUSIN PARA SA KANILANG OPERATIONS NA BABAWIIN NAMAN SA CONSUMERS.

“PALAGAY KO MAGTATAAS TALAGA DAHIL SA LABOR COST LANG. ‘PAG NAGTAAS ANG LABOR COST, NATURAL LANG YAN NA TATAAS. LAHAT NG INDUSTRIYA ‘PAG NAGTAAS NG LABOR COST, TATAAS ANG OPERATIONAL COST”, ANI NI CUA.

MALIBAN DITO, DAHIL SA MATAAS DIN ANG HALAGA NG DOLYAR KONTRA PISO AY NAKAAPEKTO RIN ITO SA PRESYUHAN NG MGA BILIHIN SA BANSA.

SA NGAYON, HINIHINITAY NA LAMANG NILA ANG ABISO NG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) PARA SUGGESTED RETAIL PRICE (SRP) SA MGA PAGKAIN AT PRODUKTONG PAMPASKO. 

 

Read 441 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.