JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PNP AMINADO NA PALAISIPAN PARIN ANG PAGKAKILANLAN NG BANGKAY NA NATAGPUAN SA NUEVA ECIJA

BY: JOJO SICAT

AMINADO ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE O ANG CIDG NA PALAISIPAN PA RIN SA KANILA HANGGANG NGAYON ANG TUNAY NA PAGKAKAKILANLAN NG BANGKAY NG MENOR DE EDAD NA NATAGPUAN SA NUEVA ECIJA NA SINASABI SI ALYAS KULOT O REYNALDO DE GUZMAN.

SA PAGPAPATULOY PA RIN NG PAGDINIG SA SENADO, SINABI NI PNP CIDG CHIEF POLICE DIRECTOR ROEL OBUSAN NA DILEMMA PA RIN NILA ANG LUMABAS NA RESULTA NG KANILANG ISINAGAWANG DNA TEST NA NAGSASABING HINDI SI ALYAS KULOT ANG BANGKAY.

SA PANIG NAMAN NG AMA NI ALYAS KULOT NA SI GINOONG EDUARDO DE GUZMAN, KAMPANTE SIYANG ANAK NIYA ANG NATAGPUANG BANGKAY PARA MATAPOS NA UMANO ANG DISKUSYON SA TUNAY NA PAGKAKAKILANLAN NITO.

SINUPORTAHAN NAMAN ITO NI PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE CHIEF PERSIDA ACOSTA.

AYON KAY ACOSTA, DAPAT NANG ITIGIL ANG MGA MALING BALITANG IKINAKALAT HINGGIL KAY KULOT TULAD NA LAMANG NANG SINASABING BLOATED AT HINDI TULI ANG BANGKAY - BAGAY NA PINABULAANAN NI ACOSTA NANG MAKITA NIYANG PERSONAL ANG LABI.

KINUWESTIYON DIN NI ACOSTA ANG MISMONG DNA DAHIL ILEGAL UMANO ANG GINAWA NG PNP NA ISAILALIM SA DNA TESTING ANG BANGKAY NANG WALANG PAHINTULOT NG MGA MAGULANG.

DAHIL DITO, HINDI UMANO MAIIWASAN MABAHIRAN NG DUDA AT KWESTIYON ANG GINAWA NG PNP DAHIL SA PAGSASAGAWA NG DNA TESTING NG WALANG PAHINTOT NG MAGULANG NI REYNALDO O ALYAS KULOT.

Read 110 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.