JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AGUIRRE, KINUMPIRMA SA PAGDINIG SA SENADO ANG PAGSASAMPA NG KASO LABAN KAY HONTIVEROS

BY: JOJO SICAT

KINUMPIRMA NI JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE II ANG PAGHAHAIN NITO NG KASONG PAGLABAG SA ANTI-WIRETAPPING LABAN KAY SENADORA RISA HONTIVEROS AT SA ISANG JOHN DOE SA PASAY CITY.

BUKOD DITO, NAGHAIN NARIN SI AGUIRRE NG ETHICS COMPLAINT LABAN SA SENADORA SA SENATE ETHICS COMMITTEE.

GINAWA NI AGUIRRE ANG PAHAYAG SA IKATLONG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS HINGGIL SA MGA KASO NG PAGPATAY SA MGA MENOR DE EDAD SA GITNA NG WAR ON DRUGS.

NAG-UGAT ANG REKLAMO NG KALIHIM SA INILABAS NA LARAWAN NI HONTIVEROS ANG PRIVATE COMMUNICATION NI AGUIRRE AT NI UMANO'Y DATING CONGRESSMAN JING PARAS HINGGIL SA PAGHAHAIN NG KASO LABAN SA SENADOR.

SINABI NI AGUIRRE NA NILABAG NI HONTIVEROS AT NG SINASABI NITONG MEDIA PERSON NA KUMUHA NG LARAWAN ANG KANYANG RIGHT TO PRIVACY.

SINABI NG KALIHIM NA PINILI SIYA, PINAGBALAKAN NG MASAMA AT PINAGTULUNG-TULUNGAN UPANG MASIRA SA PUBLIKO.

IGINIIT NG KALIHIM NA NAKALULUNGKOT AT NAKAKABAHALA ANG ANIYAÝ GINAWA NG MAMBABATAS NA PAGLABAG SA KANÝANG RIGHT TO PRIVACY.

HINAMON NI AGUIRRE SI HONTIVEROS NA PATUNAYANG MALI ANG KANYANG MGA PAHAYAG SA PAMAMAGITAN NG PAGPEPRESENTA NG MEDIA PERSON AT MGA EKSPERTO NA KUMUHA AT SUMURI SA KANYANG LARAWAN.

SAMANTALA, NAGPALIWANAG SI SENADOR PANFILO LACSON ANG CHAIRMAN NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS SA PAGPAYAG NITONG TALAKAYIN NI AGUIR

IGINIIT NI LACSON NA PINAYAGAN NIYA ITO DAHIL NOONG NAKALIPAS NA HEARING DIN ISINAGAWA NI HONTIVEROS ANG KANYANG PAHAYAG HINGGIL NAMAN SA NAKUHANG LARAWAN.

Read 98 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.