JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANIBAGONG PANG AABUSO NG TELECOMMUNICATION COMPANIES IIMBESTIGAHAN NG SENADO

BY: JOJO SICAT

NAIS NI SENADOR NANCY BINAY NA IMBESTIGAHAN ANG TELECOMMUNICATION COMPANY BUNSOD NG IPINAPATAW NA DAGDAG SINGILIN PARA SA PAPER BILLING NG KANILANG MGA SUBSCRIBER.

AYON KAY BINAY, NAGBABAYAD NG DAGDAG NA P50 ANG MGA SUBSCRIBER KUNG NAIS NILANG MAKATANGGAP NG BUWANANG PAPER BILLING SA PAMAMAGITAN NG KOREO.

KUNG NASA APAT NA MILYON ANYA ANG MGA POST PAID SUBSCRIBERS NG ISANG TELCO AT KALAHATI SA MGA ITO ANG NAIS NG PAPER BILLING AY AABOT SA P100 MILYON ANG BUWANANG DAGDAG NA KITA NG MGA KUMPANYA.

DAHIL DITO, INIHAIN NI BINAY ANG SENATE RESOLUTION 521 NA NAGLALAYONG IMBESTIGAHAN ANG DAGDAG SINGIL NG MGA TELCO SA MGA SUBSCRIBER NA AYAW NG PAPERLESS BILLING.

IGINIIT PA NG SENADOR NA ANG DAGDAG SINGIL NA ITO AY TALIWAS SA NAKASAAD SA REPUBLIC ACT 7394 O CONSUMER ACT NA NAGBIBIGAY PROTEKSYON SA MGA CONSUMER.

Read 1654 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.