JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES, FEELING VINDICATED

BY: JOJO SICAT

INAMIN NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV NA FEELING VINDICATED ITO MATAPOS NA KUMPIRMAHIN NG OMBUDSMAN NA PAREHAS NA DOKUMENTO ANG ISINUMITE NG ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL (AMLC) SA INILABAS NA DOKUMENTO NG SENADOR KAUGNAY SA MGA TAGONG BANK ACCOUNTS NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

SA PANAYAM KAY OVERALL DEPUTY OMBUDSMAN ARTHUR CARANDANG, KINUMPIRMA NITO NA NATANGGAP NILA ANG MGA DOKUMENTO NG MGA BANK TRANSACTIONS MULA SA AMLC NA UMANO’Y NAKUHA NG AMLC SA KANILANG INTELLIGENCE GATHERING.

AYON PA KAY TRILLANES, SA PAREHAS NA PANAYAM KAY CARANDANG, KINUMPIRMA RIN NITO NA PAREHAS NA DOKUMENTO NA ISINUMITE NI SEN. TRILLANES SA KANILA SA OMBUDSMAN KAUGNAY SA BANK ACCOUNTS NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

GIIT NI TRILLANES, PATUNAY UMANO ITO NA KATOTOHANAN ANG KAN’YANG NAUNANG ALEGASYON SA BILYON-BILYONG PISONG NAKATAGONG DEPOSITO SA BANK ACCOUNTS NI PANG. DUTERTE.

MALIBAN DITO, PATUNAY UMANO ITO NA KORAP ANG PANGULO AT MARAMING PINOY ANG NALOKO SA PANINIWALANG MALINIS ANG LIDER NG BANSA.

Read 199 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.