JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MMDA WALA PANG NATATANGGAP NA PORMAL NA REQUEST HINGGIL SA NA PARLIAMENTARY IMMUNITY  SA MINOR TRAFFIC VIOLATIONS PARA SA MGA KONGRESISTA

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

WALA PANG NATATANGGAP NA FORMAL REQUEST ANG METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY O MMDA HINGGIL SA HILING NI REP. RODOLFO FARIÑAS NA PARLIAMENTARY IMMUNITY SA MGA MAMBABATAS NA MASASANGKOT SA MINOR TRAFFIC VIOLATION.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI MMDA SPOKESPERSON CELINE PIALAGO NA HINIHINTAY PA NILA ANG REQUEST NA ITO MULA SA LIDERATO NG KAMARA.

NAIS DIN ANIYANG MAKITA MUNA NG MMDA ANG NILALAMAN NG PORMAL NA REQUEST UPANG MAPAG-ARALAN NILA ITO.

AMINADO NAMAN SI PIALAGO NA HINDI PA MALINAW ANG PARTIKULAR NA HILING NI FARIÑAS DAHIL MGA KONGRESISTA LAMANG ANG NAIS NITONG MABIGYAN NG IMMUNITY.

NAUNA RITO, SINABI NAMAN NI MMDA ASSISTANT GENERAL MANAGER JOJO GARCIA NA KAPAG NATANGGAP NA NILA ANG KOPYA NG REQUEST NG KAMARA AY IPE-PRESENTA NILA ITO SA METRO MANILA COUNCIL UPANG MAPAGDESISYUNAN ITO.

Read 566 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.