JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DOJ AGUIRRE NANGANGAMBA SA POSIBLENG CONSTITUTIONAL CRISIS

BY: JOJO SICAT

NANGANGAMBA SI DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NA LILIKHA NG CONSTITUTIONAL CRISIS ANG NAGING UTOS NI SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON NA IPATAWAG SA SUSUNOD NA PAGDINIG ANG MAY HAWAK NG KASO KAUGNAY SA NASABAT NA MAHIHIT SA 800 KILONG SHABU SA SAN JUAN NOONG DISYEMBRE NG NAKALIPAS NA TAON

AYON KAY SEC AGUIRRE, MAGKAKAROON NG MINI-CONSTITUTIONAL CRISIS KUNG ITULOY NI SEN GORDON NA ISUBPOENA SI JUDGE JOVENCIO GASCON NG SAN JUAN REGIONAL TRIAL COURT NA SYANG HUMAHAWAK SA KASO NG NASABAT NA DROGA

IPINATAWAG NI SEN. GORDON SI JUDGE GASCON MATAPOS MAPAG-ALAMAN SA PAGDINIG NG BLUE RIBBON NA HINDI PA NASISIRA O NASUSUNOG ANG NASABAT NA ILEGAL NA DROGA NA NASABAT NOON PANG DISYEMBRE 2016 AT HANGGANG NGAYON AY DI PA NAISASAILALIM SA PROSESO NG OCULAR INSPECTION NG HUWES.

NAKASAAD SA BATAS NA DAPAT AY SINIRA O SINUNOG NA ANG EBIDENSYANG DROGA SA LOOB NG 72 ORAS MATAPOS NA MAKUMPISKA ITO.

SA HALIP LUMABAS SA PAGDINIG NA NAPUNTA SA KUSTODIYA NG NBI ANG 250 KILOS NG SHABU AT 500 KILOS NAMAN SA KUSTODIYA NG PDEA.

PANSAMANTALANG SINUSPINDE NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE ANG PAGDINIG KAUGNAY SA NAGAGANAP NA KORAPSYON SA BUREAU OF CUSTOMS AT IPAGPAPATULOY SA DARATING NA SEPT 25.

Read 219 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.