JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ETHICS COMPLAINTS KAY HONTIVEROS KASADO NA - DOJ SEC. AGUIRRE

BY: JOJO SICAT

SA ISINAGAWANG AMBUSH INTERVIEW SA SENADO SINABI NI DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NA KASADO NA ANG KANILANG IHAHAING ETHICS COMPLAINTS LABAN KAY SENADORA RISA HONTIVEROS.

SA KABILA NA INAMIN NA KASADO NA ANG NATURANG MGA AFFIDAVIT LABAN KAY HONTIVEROS NA DAPAT SANA AY NGAYONG ARAW ANG DEADLINE SINABI NI AGUIRRE NA KANYA PANG PINAG-AARALAN PARA PULIDO ANG KANILANG REKLAMONG IHAHAIN LABAN SA SENADORA.

ANIYA NG KALIHIM HINDI NAMAN ITO NAGMAMADALI PERO POSIBLENG NGAYONG LINGGONG ITO AY MAISASAMPA NA NILA ANG ETHICS COMPLAINTS LABAN KAY HONTIVEROS.

MAGUGUNITA NA NAGBANTA SI AGUIRRE NA MAGSASAMPA ITO NG ETHICS COMPLAINTS LABAN KAY HONTIVEROS MATAPOS NA IPAKITA NG SENADORA SA KANYANG PRIVILEGE SPEECH ANG MGA TEXT MESSAGES NG KALIHIM NA NAKUNAN NG LITRATO HABANG ISINASAGAWA ANG PAGDINIG SA SENADO.

NAKASAAD SA NATURANG TEXT MESSAGES SA PAGITAN NG KALIHIM AT ATTY. JING PARAS NA PINAMAMADALI ANG PAGSASAMPA NG KASO SA SENADORA.

Read 277 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.