JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DOJ, NBI AT PDEA NAGISA SA PAGDINIG SA SENADO

BY: JOJO SICAT

NAGISA SA IKA-9 NA PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE SA PANGUNGUNA NI SENADOR RICHARD GORDON ANG DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) AT PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) DAHIL SA HINDI PAGSUNOD SA PINAIIRAL NA BATAS.

SA PAGTATANONG NI SENADOR PANFILO LACSON NA NAKASAAD SA BATAS NA DAPAT SA LOOB NG 72 HOURS AY NASUNOG O SINIRA NA ANG MGA EBIDENSYA O ILLEGAL DRUGS NA NAKUMPISKA NG MGA OTORIDAD.

LUMABAS KASI SA PAGDINIG NA ANG NAKUMPISKANG MAHIGIT SA 800 KILOS NG SHABU NA NAKUMPISKA NOONG DISYEMBRE NAKARAANG TAON SA LUNGSOD NG SAN JUAN AY HINDI PARIN NASISIRA NG MGA OTORIDAD.

IKINAINIT NG ULO NI GORDON KUNG BAKIT MATAPOS ANG ISINAGAWANG OCULAR INSPECTION NG SAN JUAN CITY JUDGE JOVENCIO GASCON HINDI AGAD IPINAG-UTOS NA SIRAIN O SUNUGIN ANG SHABU.

MAS LALONG IKINAINIT NG ULO NI GORDON NA SA HALIP NA SUNUGIN ANG 250 KILO NG SHABU AY NAPUNTA SA NBI AT ANG MAHIGIT SA 500 KILOS AY NAPUNTA NAMAN SA PDEA.

NAKASAAD SA BATAS NA DAPAT MATAPOS ANG OCULAR INSPECTION NG HUKOM DAPAT NA IPAG-UTOS SA PDEA NA SIRAIN O SUNUGIN ANG SHABU UPANG HINDI NA MA RECYCLE PA NG MGA TIWALING OTORIDAD SUBALIT NAPAG-ALAMAN NG SENADO NA HANGGANG SA KASALUKUYAN AY NASA KUSTUDIYA NG NBI AT PDEA ANG PARTE NG NAKUMPISKANG SHABU.

DISMAYADO SI GORDON NA TILA IGNORANCE OF THE LAW ANG GINAWA NG HUKOM AT MAGING ANG DOJ, NBI AT PDEA.

DAHILAN UPANG IPATAWAG NG BLUE RIBBON COMMITTEE SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA SEPTEMBER 25 ANG HUKOM NG SAN JUAN NASI JUDGE JOVENCIO GASCON

NA POSIBLENG MAGISA SA SENADO.

PALIWANAG NAMAN NI DOJ SECRETARY AGUIRRE NAIPARATING NA NITO KAY SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO ANG NAGING HAKBANG NG KANYANG HUKOM NASI GASCON SA HINDI AGAD IPINAG-UTOS ANG PAGSIRA SA NAKUMPISKANG ILLEGAL NA DROGA NA NAKALUSOT RIN SA BUREAU OF CUSTOM (BOC).

Read 336 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.