JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MAHIGIT 100 KATAO NASABAT SA POLICE OPERATION SA PARANAQUE

BY: JOJO SICAT

ARESTADO ANG MAHIGIT ISANGDAANG KATAO SA IKINASANG SIMULTANEOUS POLICE OPERATIONS NG PARAÑAQUE POLICE KAGABI.

SINUYOD NG MGA PULIS SA PANGUNGUNA NI SR. SUPT. LEON VICTOR ROSETE, HEPE NG PARAÑAQUE POLICE, MULA SA PITONG POLICE COMMUNITY PRECINCT ANG LABING-ANIM NA BARANGAY SA LUNGSOD.

ARESTADO ANG TATLONG MAY EXISTING WARRANT OF ARREST, LABING-TATLO SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS, AT ANIM SA PAGSUSUGAL.

MAY MGA LUMABAG DIN SA ORDINANSA KABILANG NA ANG TATLUMPUNG KATAO NA NAABUTAN NA UMIINOM SA KALSADA AT LABING-WALONG LALAKI NA WALANG DAMIT PANG-ITAAS.

HALOS LIMAMPUNG MENOR DE EDAD NAMAN ANG LUMABAG SA CURFEW KAYA DINALA SILA SA POLICE STATION PARA IDOKUMENTO KUNG SAAN NAPASUGOD ANG KANILANG MAGULANG AT ISA-ISA SILANG SINUNDO.

AYON KAY SR. SUPT. ROSETE, ANG MGA UNANG BESES NA LUMABAG SA ORDINANSA AY MAGSISILBING WARNING LANG, MAY MULTA NAMAN SA IKALAWANG PAGLABAG HABANG KULONG NA ANG KATAPAT SA IKATLONG PAGLABAG.

BUKOD DITO MAY 15 MOTORSIKLO DIN ANG KINUMPISKA MATAPOS WALANG MAIPAKITANG KAUKULANG DOKUMENTO ANG MGA MAY-ARI NITO.

Read 1008 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.