JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DTI, NILINAW NA ISANG BRAND LANG NG TASTY AT PANDESAL ANG NAGTAAS NG PRESYO

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NILINAW NG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA ISANG BRAND LANG NG SLICED BREAD AT PANDESAL ANG NAGTAAS NG PRESYO.

SA PANAYAM NG DZRJ, SINABI NI DTI UNDERSECRETARY TED PASCUA NA BASE SA KANILANG MONITORING AY MALIBAN SA ISANG BRAND NG SLICED BREAD O TASTY AT PANDESAL AY NANANATILING PAREHO ANG PRESYO NG IBA PANG BRAND SA MERKADO.

PALIWANAG PA NI PASCUA, NASA PISO LAMANG ANG ITINAAS NG TASTY HABANG HINDI NAMAN UMABOT SA PISO ANG DAGDAG-PRESYO SA PANDESAL.

“TININGNAN NAMIN YUNG MONITORING NAMIN, ISA LAMANG SA SEVERAL BRANDED NA LOAF BREAD, YUNG TASTY AT ISA SA MGA BRANDED NA PANDESAL ANG TUMAAS, PISO. AT SAKA YUNG SA TASTY, YUNG ISANG KUMPOL, LESS THAN ONE PESO. PERO LAHAT NG BRANDS EH PARE-PAREHO ANG PRESYO SINCE 6 MONTHS AGO”, ANI TED PASCUA.

GAYUNMAN, KINUMPIRMA NI PASCUA NA MAY PAGTATAAS TALAGA SA PRESYO NG HARINA NOONG MARSO DAHIL SA PAGBABA NG SUPLAY NG TRIGO O WHEAT.

KARANIWAN ANIYANG NARARAMDAMAN ANG PAGGALAW NG PRESYO SA HARINA TATLONG BUWAN MATAPOS MAITALA ANG PAGBABA NG SUPLAY NG TRIGO.

SA NGAYON, MAKIKIPAG-UGNAYAN NA SILA SA GRUPO NG MGA BAKERS PARA LINAWIN ANG NATURANG USAPIN.

Read 438 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.