JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GORDON TILA ISINISI KAY LACSON AT TRILLANES KUNG BAKIT AYAW DUMALO NI FAELDON SA PAGDINIG TILA

BY: JOJO SICAT

ISINISISI PA NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON KINA SENADOR PANFILO LACSON AT SENADOR ANTONIO TRILLANES IV KAYA HINDI NITO NAKUNBINSI DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON NA DUMALO SA PAGDINIG SA SENADO.

MATAPOS ANG KULANG KULANG 30 MINUTO NA PAKIKIPAG-USAP NI GORDON KAY FAELDON SA TANGGAPAN NG OFFICE OF THE SERGEANT AT ARMS (OSAA) NG SENADO HINDI NITO NAKUNBINSI SI FAELDON NA DUMALO SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE.

SA PANAYAM SA LABAS NG TANGGAPAN NG OSAA SINABI GORDON NA NAGING MAAYOS NAMAN AT MAGALANG ANG PAKIKIPAG-USAP SA KANYA NI FAELDON. SUBALIT IGINIIT SA KANYA NI FAELDON NA HINDI ITO DADALO SA PAGDINIG DAHIL HINUSGAHAN NA ANIYA ITO NI LACSON AT TRILLANES.

ANIYA MAS NANAISIN NA LAMANG NI FAELDON NA MA-DETAINED SA SENADO KESA HUMARAP SA IMBESTIGASYON. SINABI PA NI GORDON NA SASAGUTIN NA LAMANG ANIYA NI FAELDON SA KORTE ANG NGA ALEGASYON LABAN SA KANYA NA TUMATANGGAP ITO NG TARA SA BOC OPERATION.

INAMIN DIN NA GORDON NA TINURUAN PA NITO SI FAELDON NA MAARI NAMAN ITONG MAGHAIN NG ETHICS COMPLAINTS LABAN SA SENADOR DAGDAG PA NG SENADOR MANANATILI SI FAELDON NA NAKADETINE SA OSAA HANGAT HINDI ITO DUMADALO SA PAGDINIG O HANGGAT HINDI PINALALAYA NG SENADO.

Read 438 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.